Hemira III 34 - Hade (Jade) ~Tagapagsalaysay~ Nasa loob lamang ng isang kulungang gawa sa bakal ang Asas na si Serafina. Nakakadena ang kanyang mga kamay at paa at may busal sa kanyang bibig upang hindi siya makasigaw o makagawa ng ingay. Madilim ang paligid dahil ang kulungan niyang iyon ay nasa loob pa ng isang malawak na silid na gawa sa bato. Simula nang ikulong siya roon ay hindi siya tumigil sa pagsubok na tumakas ngunit naubos na lamang ang kanyang lakas ay hindi pa rin siya nagtatagumpay. Nakahiga na lamang siya sa loob ng kanyang kulungan sa kawalan ng lakas at tagaktak ang kanyang pawis sa init ng paligid. Uhaw na uhaw na rin siya at gutom na gutom. Halos dalawang araw na ang lumipas noong huli siyang pinainom at pinakain ng mga nakabihag sa kanya kaya labis na ang kanyang

