Hemira III 33 - Pagbawi Kay Euphemia at sa Bayan ng Mirang ~Tagapagsalaysay~ ~Sa bayan ng Mirang~ Nakarating na kaagad sila Hemira sa bayan ng Mirang dahil napakalapit lamang niyon sa Krikor. Nakita nila na ang mga tao ay maayos na nakahilera sa mga gilid ng daan at sa gitna naman niyon ay padaan ang isang parada. Bumaba na sila sa kanilang mga kabayo at nakihelera sa mga tao sa gilid upang alamin kung ano ang kasalukuyang nangyayari roon. Nangunguna roon ang lalaking mahadlika na nangbugbog sa kanila sa isang panuluyan at kinikilala bilang malupit na matsing sa kontinenteng ito. Nabatid nilang ito si Cirio. Nakasakay ito sa isang kabayo na may mga palamuting ginto. Mapagmalaki ang mga ngiti nito na tila ba pagmamay-ari nito ang buong mundo. Sa likuran naman nito ay nakaangkas ang

