Hemira III 37 - Bote ng Liosalfar ~Hemira~ "Hanggang nasa iyo ang Yang, pilitin mong kabutihan lamang ang iyong maging nais at intensyon." "MAGDUSA KA!" Ipaghihiganti kita Serafina. Hindi ako papayag na hindi maipalasap sa taong ito ang napakamasakit na parusang matatamasa niya sa ginawa niya sa iyo. "Kahit gaano ka pa hamakin at gawaan ng masama ng mga kalaban, pati na ang iyong mga kaibigan ay pagpoprotekta lamang sa nakararami ang dapat pumuno sa iyong isipan, hindi ang paghihiganti at iba pang masasamang damdamin na batid mong makadudungis sa puti mong puso." Mukhang mauulit na naman ang nangyari noon. Noong ako ay nasa Abellon at kalaban si Abellona. Sa lubos kong pagkapoot at kawalan ng kontrol sa aking galit ay nalihis na ang aking intensyon. Ganoon din ang nangyayari ngayon

