Hemira III 38 - Leon ~Tagapagsalaysay~ Tumilapon palayo ang boteng nagmula sa lagan ni Hemira at napakataas niyong tumalsik sa ere. Sa sobrang liit niyon ay hindi na nasundan ng mga mata niya kung saan iyon napunta. "KIRIOOON!" Hindi na malaman ni Hemira ang kaniyang gagawin dahil sa nangyari. Humanap siya sa kaniyang paligid ng makakatulong sa kaniya at nakita niya si Eugene. "Eugene! Si Kirion! Doon napunta ang kaniyang kinalalagyang bote!" Itinuro niya pa kung saang direksyon tumilapon ang bote subalit pinalibutan na siyang muli ng mga kawal. Nainis naman siya nang lubos sa mga ito. "Wala akong oras para sa inyo!" Sinipa niya ang isang aatake na sana sa kaniya at inagaw mula rito ang espada nito pati ng sa isa pa kaya dalawang sandata na ang kaniyang hawak. Umikot siya habang pin

