"Learn to love yourself and move on." *** "Tanya, medyo lambutan mo lang ang ekspresyon mo. Pakiangat din ng konti yang bag para mas kita." "Okay, goodjob!" Napaupo ako. Agad naman akong binigyan ng tubig at towel ng assistant ko. Nakakapagod, straight na tatlong oras ang photoshoot namin. "Ma'am, ano pong gusto niyong ulam?" Napatingin ako sa relo ko, mag-aalas dose na pala. "Yung dati nalang." Tipid kong sagot habang pinagmamasdan ang maarteng artista. Nakakairita ang mukha niya ang sarap suntukin. Akala ko dahil sikat siya, propesiyonal siyang kumilos pero hindi tila ayaw niyang nauutusan. Well, I'm her photographer kaya wala siyang magagawa. Kung makaasta akala mo siya mas may alam sa amin. Well, after 10 years. Nakamit ko na ang pinakapangarap ko. Ang maging sikat na photogr

