"Love is not define by trying, it is also letting go." *** Habang panay ang pagtulo ng luha ko. Nagawa ko pa siyang i-text. "Kumusta na Zen? Bakit hindi ka pumasok kanina? First time ah." Natawa ako habang panay ang punas sa walang tigil na pagtulo ng luha ko. Ito nga siguro ang kapalit ng saya ko nitong nakalipas na araw. Wala akong makitang rason kung bakit nagawa niya 'yun? Akala ko masaya siya sa relasyon namin? Oh, isang malaking pag-aakala ko lang iyon. Ang tanga-tanga ko talaga. "Ikaw na ang pinakatanga Millie!" Parang baliw kong isinigaw. Tumingala ako sa kalangitan. Siguro nga, kahit kailan hindi ko maaabot ang isang uri ng bituin na katulad ni Zen. Isa lamang akong hamak na normal na babaeng mananatili lang na nakatingala pero hindi kailanman makukuha ang bituin.

