Napangiti ako nang makapasok din si Athan sa top 3. "Now, we have now the 3 pairs! Congratulations to the grade 11-GAS. Parehong pasok si Ms. Zamora at Mr. Smith!" "Whoo!" Malakas ang naging hiyawan lalo na sa pwesto ng mga kaklase namin. "Ngayon, ang mga lalaki muna ang unang tatanungin. Step forward boys." Pinagmasdan ko lang sila. Halata rin ang kaba, si Athan lang yata ang hindi kabado. "Bumunot na kayo ng tig-isang katanungan. Paalala bubuksan niyo lang yan kapag tatanungin na kayo." Nagsimula na silang sumagot habang malalim naman ang iniisip ko. Hindi ko maiwasang hindi mag-aalala. Anong kayang problema? at ganun nalang ang pagmamadali ni Zen kanina. Kahapon, todo support pa nga siya sa akin. Sa question & answer portion na hindi niya raw palalagpasin tinuruan niya pa nga

