s**t! Ang gwapo niya at mukhang papunta siya rito." Piping tili ni Nath humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Anong ginagawa niya rito? Sinusundan ba niya ako? Umiwas naman ako ng tingin at ininom na lang ang alak na kanina ko pa pala hawak. "Claudette, you are here." Nagtaasan ang balahibo ko nang basta nalang siyang umupo sa tabi ko. Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Nath. Siniko niya pa ako. "Kilala mo?" Bulong niya tumango na lamang ako. "Bakit ka ba nandito?" Tinaasan ko siya ng kilay. Napangiti naman siya. "You are curious huh, I will meet some of my friends." Tumango na lamang ako at basta na lang hinila si Nath. "Tara! Sayaw na tayo." Mukhang ayaw pa ni Nath pero nahila ko na. Hindi ko na nilingon kung anong naging reaksyon niya. "Hoy Millie! Sino iyon? Pero

