"Arg!" Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit, hindi ko pa maayos na maimulat ang mata ko. Tanginang hang over yan! "Drink this." Nanlaki ang mata ko sa baritonong boses. Bakit may lalaki sa kwarto ko? Pilit kong minulat ang mata ko. Bakit sobrang sakit imulat? Anong nangyari sa mata ko? Wala sa loob na hinawakan ko. Mugtong-mugto, ibig sabihin umiyak ako. "Mr. Del Fierro!" Napaatras ako nang makita siya. "So, were back with Mr. Del Fierro again Claudette. But 'Zen' is pleasing to the ears." Nakangising sabi niya. Naparoll-eyes ako. Napatingin ako sa buong kwarto. Hindi ito sa apartment. "Nasaan ako? At anong ginawa mo sa akin?" Agad kong tinignan ang damit ko. And to my horror iba na ang damit ko! "What did you do?" I almost growl in anger. "You are in my condo and I change you last n

