"Everythig has a reasons." *** "I want to know your reason. Every details, of it. Kung bakit mo ako sinaktan at iniwan ng ganun-ganun nalang." Matapang kong sinabi. Napabuntong-hininga siya at itinigil ang kotse. "Okay, if you wish so. Sana lang kapag nalaman mo na lahat-lahat. Maintindihan mo ako." Para akong nahihipnotismo sa paraan ng malamyos niyang pagtitig. Para ring binibiyak ang puso ko sa bahagyang nakikitang kalungkutan sa mga mata niya. Nanatili ang katahimikan sa amin. Pinili ko na lamang na tignan ang paligid namin. Nasa malapit kami nang isang playground. Kita ko ang mga batang masayang naglalaro. "Claudette, I have ruined family. A chaos home." Pinilit kong huwag siyang lingunin. Nanghihina ako sa kanyang boses. "So, I try to separate myself from others

