"It gets sweeter and sweeter." *** "I'm sorry Ms. Zamora, I don't know that my dear Clarisse can do such thing. I'm really sorry." Natulala ako ng yumuko sa harap ko ang papa ni Clarisse. "Okay na po Sir, huwag po kayong yumuko." Pilit ko siyang pinigilan. Kita ko ang sinseridad ng mukha niya at pagmamahal kay Clarisse. Kahit naman galit pa rin ako kay Clarisse. Naisip ko ring ginawa niya yun dahil masyado niyang gusto si Zen. Nilingon ko si papa na walang emosyon lang sa tabi ko. "Don't worry, isasama ko na siya sa Canada. Matagal na itong nakaplano pero ngayon sigurado na akong sasama na siya." Pagod akong napaupo sa sofa. Pagkarating namin sa bahay, pinatawag kasi ang both parents namin para madiscuss 'yung issue. "Millie! Bakit hindi mo sinabing may ganun nangyari pala?" Nakik

