Chapter 21

1116 Words

"Oh," iniabot ko ang jacket niya nang mahubad ko. Tinignan niya lang ito. "Hawakan mo muna," saka niya ako hinatak papasok sa mall. Namilog ang mata ko nang maglakad na kami papasok, hawak-hawak na niya ang kamay ko. Braso ko lang kasi ang hawak niya kanina. "Saan tayo dito?" Tanong ko habang pilit nilalabanan ang kaba ko. Hawak ni Zen ang kamay ko! Hindi niya ako sinagot basta hinatak niya lang ako. Saka ko lang nalaman kung saan kami pupunta nang makita ang mga tao sa nakikipila. "Dito ka muna." Seryosong sabi niya. Umupo ako sa mga bleachers at pinagmasdan siya. We will watch a movie! Hindi mabura ang ngiti ko habang pinagmamasdan siya. He is so out of place. Parang artistang nahalo sa mga ordinaryong mga tao. Kita ko rin ang kilig ng ilang babaeng napapalingon sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD