"Alam mo kung ano ang masakit, 'yung bigla ka nalang niyang hindi papansinin. Nang hindi mo malaman ang dahilan, mapapaisip ka nalang kung anong nagawa mong mali."-Anonymous *** "Uy, bagay talaga sila Clarisse at Zen 'no," napakagat ako sa labi para pigilan ang sarili kong magsalita. Ilang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang isyu, ang paglalagay sa bulletin board ng nangyari sakin. Nilinis ng principal ang isyu. Wala naring studyanteng nagtangka pang magsalita tungkol sa nangyari. Nag-imbestiga na ang mga teachers namin pero wala silang nahuling gumawa non. Pero wala lang 'yun sakin. Mas masakit ang paglayo sakin ni Zen. Ni hindi ko na siya mahagilap o makasabayan man lang. Ang sakit lang, na siya ang nagligtas sa kin. Ang nakasaksi sa totoong nangyari. Pero bakit niya ako ni

