"In every game, either you lose or win." *** "Kaya mo yan Millie. Our school is trusting in you, bring the bacon. Okay, I will go." Tumango ako sa principal namin. Huminga ako at ininom ang mineral water. Kahit ilang beses na akong nakipagcompete. Hindi ko pa ring matanggal ang kaba ko. Lalo't panghuli ako ang laban ko ngayon dahil ako ang depending champion. Kinuyom ko ang kamao ko para pigilan ang panginginig. ''Kaya mo 'to Millie," pampalakas loob ko. Mula dito sa dressing room, rinig na rinig ko ang mga sigawan. Bawal kasing may pumasok dito. Tanging mga teachers at principal lang. Nandun na siguro si papa, athan at ang mga asungots. Si Zen kaya? Napailing ako. Baka nga hindi niya pa alam na ngayon ang laban ko. Sa sobrang focus niya kay Clarisse. Napangiti ako nang mapait.

