Kinagabihan ay masayang nagluto ng dinner si Silvia. Sinabi kasi ni Max na sabay silang kakain. Kaya sinarapan niya talagang magluto. Sigurado siyang mas matutuwa ito dahil paborito ni Max ang hinanda niya. Pagkatapos ay umakyat na siya sa kwarto para maligo. Para pagdating ni Max mamaya ay hindi naman siya mag-amoy pawis. Makalipas ang ilang minuto ay narinig na niya ang sasakyan ni Max. Dali-dali siyang bumaba para salubungin ito. Nakangiti siyang binuksan ang pinto. At bumungad sa kanya ang bulaklak na dala nito. “Hindi ka na sana nag-abala pa Max.” Wika ni Silvia at inabot ang Flowers na dala nito. “Mukhang bagong paligo ang wife ko ah?” Hinalikan siya nito sa labi. At ini-locked ang pinto. “By the way Hon, napansin ko yung sa garden natin. May nakuha ka na bang landscaper?” Us

