Kakaalis lang ni Max. At nag-umpisa nang maglinis si Silvia ng kalat. Ito ang palagi niyang ginagawa kapag naiiwan siyang mag-isa. Magaan lang sa kanya dahil sanay naman siya sa gawaing bahay. Natigil ang pagwawalis niya nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok. Napatingin siya sa pinto at sumilay ang kanilang guard sa gate. “Ano po yun?” “Ah, Ma’am. May tao po sa labas. Siya daw po ang pinadala ng kompanya para mag-landscape ng garden niyo.” Imporma niya sa guard. “Hingian niyo na lang po ng I.d tapos papasukin niyo na po.” Utos niya dito na agad namang nagpaalam. Inayos niya ang kanyang sarili at pinunasan ang kanyang kamay. Bago lumabas ng bahay. Kumuha kasi siya ng taong magla-landscape ng kanyang garden dahil marami pa rin siyang hindi alam sa paghawak ng halaman at magpapatu

