Pagkadating ni Silvia at Max sa bahay ay agad na umakyat si Silvia sa kwarto. Masama pa din ang loob niya sa nangyari kanina kahit pinagtangol siya ni Max ay hindi pa rin niya maalis sa kanyang isip ang nangyari. Pero wala nama siyang magagawa kundi patawarin ang kanyang asawa dahil hindi rin naman nito ginusto ang nangyari. Ilang minuto lang ay nakapasok na rin si Max sa kwarto nila. Kaagad niyang nilapitan si Silvia. Nakaupo ito sa gilid ng kama at nakatulala sa kawalan. Tumabi siya dito at kinuha ang kamay nito. Pareho kasi silang tahimik sa kotse kanina at kailangan ni Max makapag focus sa pagmamaneho kaya iniwasan muna nila ang isa’t-isa. “Hon, wag ka na magtampo sa akin. I know it’s my fault. I promise hanga’t kaya ko na iwasan ang babaeng yun gagawin ko. Basta wag ka lang magalit

