Pauwi na sila pero hindi pa rin maiwasan ni Silvia ang maging tahimik. Matapos nang nangyari kanina ay itinuon na lamang niya ang kanyang sarili sa pagkain. At nag-aantay na lamang na matapos ang meeting. Alam kasi niyang wala naman talaga siyang matuitulong kay Max pagdating sa negosyo dahil hindi naman siya nakapag-aral. Ngayon niya mas naunawaan kung bakit hindi siya maaring sumama sa kanyang asawa tuwing may meeting ito. Nang dahil sa kanya pakiramdam niya ay napahiya pa ang asawa niya kay Mr. Montero. Kahit anong gawin niya ay hindi siya nababagay sa mundong ginagalawan nito. Kumpara kay Ava. Bukod sa napakayaman, maganda at sexy ay malaki talaga ang pagkakaiba nilang dalawa. Siguro mas aabalahin na lamang niya ang kanyang sarili sa bahay at maghahanap na lamang ng ibang pagkakaabalahan. Kaysa ang mangyari ulit ang nangyari kanina.
“Hon, are you okay? Kanina ka pa walang imik.” Tanong ni Max sa kanya habang nagmamaneho ito at tumigil lang dahil sa pag red stoplight.
“Max, alam kong iniwan mo si Ava dahil sa akin. Bakit? Bakit ako? Nakikita mo naman siguro ang pagkakaiba naming dalawa diba? Ako, walang alam, hindi ako maganda, hindi ako mayaman at maid niyo lang ako sa mansyon. Pero bakit ako? Bakit mo siya iniwan para sa akin?” Nagtatakang tanong niya dito. Alam kasi niyang matagal na ang mga ito bago pa sila maghiwalay. Dahil palagi niyang inuuwi si Ava sa mansyon nila noon. At palagi ding nagpapalipas ng gabi si Ava. Pinagsisilbihan pa nga niya ito noon kapag dumadalaw ito. Kaya ganun na lamang ang tingin sa kanya ng babaeng yun. Kahit kasal na silang dalawa.
“Silvia, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo. Bago maging tayo hiwalay na kaming dalawa. Hindi na okay ang relasyon namin noon. At isa pa, I caught her cheating on me. Kaya tuluyan akong nakipag hiwalay at hindi ikaw ang dahilan. Please, stop this nonsense. I’m sorry for what happen earlier. Ginawa ko naman ang lahat para ipagtangol ka kaya wag muna itong gawing issue okay?”
“Max hindi ko naman ito sinasabi para mag-away tayong dalawa. Kung hiwalay na pala kayo ni Ava bago naging tayo bakit galit na galit pa rin siya sa akin? Bakit kung tignan niya ako kanina daig ko pa ang inagawan ko siya. At hindi lang yun pakiramdam ko kasi nanadya na siya eh.”
Napabuntong hininga si Max. Dahil alam mauuwi na naman ito sa pagtatalo nilang dalawa. Humarap siya kay Silvia at hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng hita nito.
“Hon, hindi naman galit sa’yo si Ava. Siguro hindi lang kayo magkasundo. Mabuti pa wag mo na lang siyang pansinin sa tuwing nakikita mo siya. At isa pa hindi mo ako inagaw. Remember? Ako ang unang lumapit sa’yo dahil napaka-ilap mo. Wag ka masyadong mag-overthink okay? Sa tingin mo pakakasalan kita nang walang dahilan? Gusto kitang makasama habang buhay. I want to have a family with you. So please, wag mo nang isipin yun okay? Mahaba pa ang gabi natin.” Nakangiting sambit ni Max sa kanya. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa kamay.
Nang makarating na sila sa bahay ay sabay na silang umakyat sa kwarto. At pagkatapos ay nagbihis sila ng damit pantulog.
Suot ang manipis na pantulog na hangang sakong ang haba ay nahiga na si Silvia. Si Max naman ay binuksan muna ang laptop niya. Nakatagilid si Silvia at nakatingin lang sa kanyang asawa habang nagtitipa ito ng laptop na nakapatong sa ibabaw ng maliit na mesa at naka-upo ito sa sofa. Puting t-shirt at boxer lang ang suot nito.
“Hon, matulog ka na. Alam ko napagod ka sa lakad natin.” Nakangiting sambit ni Max sa kanya at muling itinuon ang sarili sa trabaho.
Nakita niyang may mensahe sa e-mail si Ava kaya binuksan niya ito pero nagulat siya nang makita ang picture na pinadala sa kanya ni Ava. Nakahubad ito habang nakahiga at nakatagilid sa kama. Nakaharap pa ito sa camera habang ang nagtatakip lang sa bundok at perlas nito ay ang pulang makintab na tela. Nakangiti ito at wari’y nang-aakit na nakatingin sa kanya. Nakalugay pa ang mahaba at kulay ash brown nitong buhok. Ngunit ang mas nakaagaw ng kanyang atensyon ay ang nakasulat dito.
“I’m alone tonight, I’m waiting for you Max…”
“May problema ba?” Nagtatakang tanong ni Silvia sa kanya nang makita niya ang gulat sa mata nito. Kaya kaagad na sinara ni Max ang laptop at humarap sa kanya.
“W-Wala, matutulog na rin ako.” Dahilan niya dito. Pagkatapos ay tumayo si Max at kumuha ng shot glass sa ibabaw ng mesa. Nagsalin siya ng whisky sa baso at inisang lagok ito.
Hindi niya alam kung bakit ginagawa ito ni Ava. Inaamin niya sa sarili na maganda talaga si Ava at lalo na ang perpekto nitong katawan. Pero hindi niya hahayaan na maakit siya ng babaeng yun dahil may asawa na siya at ayaw niyang magkasala kay Silvia.
“Max, pwede bang itigil mo na yang pag-inom mo? Tuwing gabi na lang bago ka matulog amoy alak ka.” Reklamo ni Silvia sa kanya. Nakatatlong tagay na siya bago niya ibinaba ang baso sa ibabaw ng mesa. At pagkatapos ay lumapit siya sa kama at umupo sa gilid nito.
“Pampainit lang naman yun Hon, saka hindi naman ako mabaho. Mabango pa rin naman ako diba?”
“Ewan ko sa’yo.”
Akmang tatalikuran siya ni Silvia pero pinigilan niya ito at hinarap sa kanya.
“Mas lalo kang gumaganda kapag nagsusungit ka.” Nakangiting sambit nito. Pagkatapos ay kinintalan siya ng halik sa labi nito.
“Max…matulog na tayo.” Sambit niya.
“Okay, pero bago yun gawa muna tayo ng baby.” Nakangising sabi nito at hindi na siya nakasagot pa nang sakupin na ni Max ang kanyang labi. Gumapang ang kamay nito sa laylayan ng kanyang manipis na damit pantulog at itinaas ito habang walang tigil naman ang kanilang mga labi sa pagalaw.
“Hmmm, Max.” Ungol niya nang makapa nito ang sensitibong bagay sa gitna ng kanyang hita. Dahan-dahan nitong hinubad ang manipis na saplot niya sa ibaba. At habang bumaba din ang kanyang labi sa leeg nito pababa sa kanyang malayang dibdib.
“I love you…” Ungol ni Max pagkatapos ay sinakop ng kanyang labi ang dungot sa tuktok ng malusog na dibdib nito. Kahit natatabunan pa ito ng manipis na tela ay ramdam niya ang mainit na labi ni Max. Minsan lang sila magkaroon ng ganitong oras. Dahil palaging busy si Max. Alam niyang hindi siya ganun kagaling pagdating sa kama. Pero kahit ganun, hindi siya pinipilit ni Max na gawin ang mga bagay na hindi pa siya komportable.
“Ah! Max…” Ungol niya nang maramdaman ang malaki nitong sandata sa kanyang p********e. Sa laki nito ay parang naninibago pa rin siya sa tuwing magtatalik silang dalawa. Masasabi niyang bihasa si Max sa pagamit nang lahat ng parte ng katawan nito kapag nasa ganito silang sitwasyon. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses namuo ang puson niya dahil sa nakakapanghina nitong galaw.
Basta ang alam niya ay pagod na pagod siya kapag natatapos ito dahil paminsan-minsan ay tumatagal sila ng kalahating oras lalo na kapag nakainom si Max.
Hangang sa hingal na bumagsak si Max sa ibabaw nang halos hubad na katawan ni Silvia. Ramdam pa niya ang mainit na katas nito sa kaloob-looban niya. At umaasa siya na magbubunga na ang ginawa nila ngayong gabi.