Pagkatapos nilang kumain ay tumuloy naman sila malawak na swimming pool. Nag-aya kasing mag-swimming si Ava. At nagpasya silang doon na lang sila sa tabi ng swimming pool mag usap-usap. “By the way anak, scheduled na next week ang pagpunta mo sa Hawaii. One week lang naman yun pwede mong isama si Silvia kung gusto mo para naman makapag bakasyon kayo.” Paalala ni Edward Ama ni Max. Napatingin si Max kay Silvia at ngumiti siya dito. “Okay Dad, mag extend na rin kami ng one week. Para may time ako sa asawa ko. Kailangan ko din makabawi sa asawa ko at malaki na ang tampo nito sa akin.” Nakangiting sabi ni Max sa kanyang Papa. Hindi makapaniwala si Silvia sa kanyang narinig. Akala niya ay maiiwan na naman siya ng matagal sa bahay ng mag-isa. Sabay-sabay silang napatingin nang dumating s

