Wala na akong sinayang na sandali kaagad akong pumunta sa kinaroroonan nila. Mabilis ang aking paghakbang patungo sa kanila hangang sa makita ako ni Ava. Pero imbis na layuan niya si Max. Ay muli niya itong niyakap. At muli siyang pinagtulakan ni Max. Kaya napaupo siya sa buhangin. Hindi pa rin alam ni Max na nasa likuran niya ako dahil gusto kong marinig kung ano ang pinagtatalunan nila. “Hindi ka pa rin talaga titigil Ava? Ngayon na nagkabalikan na kami ni Silvia. Bumalik ka para guluhin kami ulit? Hindi na ako magpapauto sa’yo kahit kailan! Kaya lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas!” Galit na sigaw ni Max sa kanya. Tama lang ang ginawa ni Max. Nang dahil sa kanya nagkasira kami ni Max. Kung hindi siya gumawa ng maraming kwento ay hindi sana kami aabot sa hi

