Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang mangyari ang hindi namin inaasahan. Kapag naalala ko ang araw na yun. Hindi pa rin mawaglit sa isip ko kung paano ko natiis na tignan si Max habang unti-unting bumibigay ang katawan niya. Akala ko hindi ko kakayanin na panuorin siya ng mga oras na yun. Pero dahil sa anak namin kinailangan kong magpakatagtag at umasa sa itaas. Noong araw na yun akala ko mawawala na siya sa akin. Akala ko hindi hindi na didilat ang mga mata niya. Akala ko mag-isa kong bubuhayin ang anak namin. Pero sa awa parin ng diyos binalik niya si Max sa akin. Dininig niya ang panalangin ko na wag kunin ang natitirang tao sa buhay ko. Kusang sumuko si Ava sa mga pulis pagkatapos niyang sabihin kina Mama at Papa ang ginawa niya. Nakakalungkot lang dahil umabot kami sa ganun. N

