Silvia's POV “Bakit ka nandito?” Bungad sa akin ni Ava nang lumabas siya mula sa bakal na pinto. Salamin ang pagitan naming dalawa pero dinig ko siya dahil may maliit itong mga butas. At para na rin hindi niya ako malapitan kung sakaling hindi magiging maganda ang pag-uusap naming dalawa. Nandito kasi kami sa piitan upang dalawin siya. Pero sinabi ko kay Max na ako lang mag-isa ang makikipag-usap sa kanya. Matagal bago ko napapayag si Max nang sabihin ko sa kanyang gusto kong dalawin si Ava. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Pero parang hindi ako matatahimik hanga’t hindi ko siya nakikita at nakakausap. “Huh! Kung inaakala mo na luluhod ako sa’yo para humingi ng tawad sa’yo. Inaaksaya mo lamang ang oras mo Silvia. Dahil wala akong pinagsisihan sa nagawa ko.” “Alam ko.” Sagot ko sa

