Kahit gaano man kaabala sa trabaho ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ni Jackie Lou ang nangyari sa loob ng banyo sa bahay nina Theodoro. Para na tuloy siyang minumulto ng nangyari kaya kahit anong fucos ang gagawin niya, nadi-distract pa rin talaga siya. "Stay away!" sabi niya sa kanyang sarili at napatingin naman sa kanya ang kanyang mga kasamahan dahil napalakas pala niya ang kanyang boses kaya sapilitan siyang napangiti sa mga ito. "Pasensiya na kayo. M-may naaalala lang akong hindi maganda," sabi niya sa mga ito. Lumapit sa kanya si Anna na isa rin sa mga nagtataka sa kanyang ginawa kanina. "May problema ka ba?" tanong nito sa kanya na siya namang agad niyang itinanggi. "W-wala. Okay lang ako," sabi naman niya saka niya muling ibinalik ang pansin sa ginagawa. Wala namang

