Agad na lumabas si Reymart nang makarating na sila sa restaurant na itinuro nito. Naunang lumakad papasok si Reymart kasunod ai Jackie Lou pero bago pa ito nakapasok ay bigla itong hinawakan ni Theodoro sa braso kaya napalingon ito sa kanya. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Theodoro. "Eh di, sinusunggaban ang opportunity na makakain ng masasarap na pagkain," pabiro nitong sagot. "Jack?" parang napipikon niyang sambit sa pangalan nito. "Theo, alam mo sumunod ka na lang kaya? Huwag ka nang umangal pa. Halika na," sabi ng dalaga sabay hila sa kanya sa kanyang kamay at wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang. "Take your order," ani Reymart saka niya inabot sa dalaga ang menu na kabibigay lang na waiter. "Ikaw din, Theo," baling ng binata sa kanyang driver. Magkatabi sa pag-up

