"I don't want to be your boss anymore," naaalala niyang sabi ni Reymart sa kanya noon habang nanatili siyang nakatingin sa binata. "I like you." Pakiramdam niya ng mga oras na 'yon ay nasa alapaap siya sa sobrang saya. Hindi niya ma-explain ang kanyang nararamdaman ng mga oras na 'yon dahil sa halo-halo na ito pero bakit ngayon, hindi na niya naramdaman ang mga iyon? Dahil ba hindi talaga niya minahal si Reymart at nasabi lang niya sa sarili niyang mahal niya ito dahil nasa binata na ang lahat ng kanyang mga pinapangarap niya? "Hayaan mo munang maghilom ang sugat sa puso ng anak ko, Jack. Alam kong babalik din kayo sa dati. Hindi man ngayon pero balang-araw pero sana, mangako kang hihintayin mo ang araw na 'yon." Nang naaalala niya ang inihabilin sa kanya ni Cristy ay bahagya siyang um

