CHAPTER 3

1724 Words
"Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ni Jackie Lou nang ihinto ni Theodoro ang motorsiklo sa harapan ng isang kainan. "Eh, ano pa ba ang ginagawa ng mga tao kapag  nasa ganitong lugar sila?" balik-tanong nito sa kanya. "Siyempre, kumakain," sagot naman niya. "Yon naman pala. Halika na." Hinila siya ng kanyang kaibigan papasok ng kainan kaya napasunod na lamang siya rito. Agad silang nilapitan ng waiter nang makaupo na sila sa isang bakanteng mesa. "Sir, Ma'am, ano po bang order niyo?" tanong ng waiter sa kanila. "Order ka ng gusto mo," sabi ni Theodoro sa kanya. "Mahal yata dito, sa bahay na Lang tayo kumain," pabulong niyang sabi. "Paminsan-minsan lang 'to kaya sulitin mo na," ank naman ni Theodoro. "Seryoso ka?" tanong niya at tumangu-tango naman si Theodoro bilang sagot kaya nag-order na siya. In-order ni Jackie Lou lahat nang gusyo niya kasi sabi naman ng kaibigan niya, susulitin na lang niya. "Yon lang ang order ko," sabi ni Jackie Lou sa waiter, "Eh, sa'yo, Theo? Anong order mo?" baling niya sa kaibigan. "Wala," matipid niyang sagot. "Wala? Seryoso ka?" takang-tanong ng dalaga. "Oo." "Pero, akala ko ba-------"Sige na, waiter. Bigay mo na ang order niya," agad na singit ni Theodoro sa iba pa sanang sasabihin ni Jackie Lou. "Akala ko na kakain ka?" saad ni Jackie Lou. "Bakit sinabi ko bang nagugutom ako?" "Hindi." "Oh, hindi naman pala." "Pero sigurado ka bang babayaran mo 'yon?" paniniguro niyang tanong. "Bakit may sinabi ba akong ako ang magbabayad nu'n?" tanong ni Theodoro sa kanya na siyang nagpaawang sa kanyang mga labi. "Isa pa, ako ba ang kakain nu'n? Di ba------aray! Ba't ba ang hilig mong mambatok?" angal nito nang bigla niya itong binatukan. "Luko ka kasi! Akala ko libre mo 'yin. Theo naman, eh!" reklamo niya saka siya tumayo. "Tara na nga, alis na tayo," naka-pout pa niyang sabi. Aalis na sana siya nang bigla siyang hinila paupo ng kanyang kaibigan. "Joke lang. Ito talaga, di mabiro. Babayaran ko lahat ng in-order mo," bawi nito. "Talaga?" Lumiwanag naman ang kanyang mukha. "Pero may kapalit," agad nitong dagdag. "Ano na naman 'yan?" "Sa susunod, ikaw naman 'yong manglibre sa'kin." Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga nang marinig niya ang sinabi ng kaibigan. Alam niyang nagbibiro lang ito pero talagang sinasakyan pa rin niya ang kalukuhan nito. "Kahit kailan talaga, hindi ka pa rin nagbabago. Pero sige na nga, nagugutom na rin kasi ako." Napangiti si Theodoro sa tinuran ng dalaga at maya-maya lang ay dumating na rin ang in-order ni Jackie Lou. "Kain ka," aya ni Jackie Lou sa kaibigan pero tumanggi lang ito. "Seryoso ka? Ayaw mo talaga?" "Kumain na ako pagkagaling ko sa bahay," saad naman nito. "Okay. Sabi mo, eh," sabi ng dalaga saka siya kumain ng lubos na para bang wala nang bukas. Wiling-wili naman ang binata habang pinapanood niya si Jackie Lou. "Dahan-dahan ka naman. Wala ka namang kalaban, eh," saway niya rito. "Para madaling matapos," sagot naman ng dalaga habang punong-puno ng kanin ang bibig. "Hindi naman 'to contest, ah." "Hayaan mo na nga ako," anito sa pagitan ng pagnguya. Hinayaan na lamang ni Theodoro ang dalaga. Ang Jackie Lou na nakilala niya noon ay ganu'n pa rin hanggang ngayon. Nakakatuwa! Ang sarap kasama. "Siyanga pala, Theo. Malapit na pala ang birthday mo, nuh? Anong gusto mong regalo?" tanong ni Jackie Lou sa binata nang nakalabas na sila sa kainan para umuwi na. "Ang puso mo," pabulong na sagot ni Theo. "Anong sabi mo?" takang-tanong naman ng dalaga. "Huh? Wala, ah!" "Wala raw? Meron kaya." "Wala nga," tanggi pa ni Theodoro. "Meron," giit din ng dalaga. "Uwi na tayo. Malayo pa 'yong birthday ko kaya 'wag muna natin 'yan pag-usapan," pahayag naman niya. "Sige na nga. Tara!" aya ni Jackie Lou. Katulad kanina, si Theodoro na ang nagsuot ng kanyang helmet saka siya muling umangkas dito. Muling napakilig ang puso ng binata nang muling napayakap sa kanya ang kaibigan. Agad na pinasibad ni Theodoro ang motorsiklo pauwi ng bahay at biglang napasigaw na lamang si Jackie Lou nang binitawan ni Theodoro ang manibela ng motorsiklo kaya napahigpit ang pagkakayakap ng dalaga sa kanyang beywang. "Ayaw ko pang mamatay, Theodoro!" sigaw nito at napatawa na lamang ang binata dahil sa kalukuhan niyang ginawa. Pagkarating nila sa bahay nina Theodoro ay agad na ipinasok ng binata ang motorsiklo na ginamit nila sa bahay saka niya sinabayan sa paglalakad ang dalaga pauwi sa bahay nito. Tatlong dipa lang naman kasi ang layo ng bahay nina Jackie Lou sa kanilang bahay kaya mas minabuti na lamang nilang lakarin ito galing sa bahay nina Theodoro. Hindi na rin pumasok pa si Jackie Lou para batiin ang ina ng binata dahil alam niyang namahinga na ito sa ganitong mga oras. "Oh, pa'no papasok na ako," paalam ni Jackie Lou sa binata. "Sige, good night," sagot naman niya. "Good night din. Ingat sa paglalakad pauwi," nakangiting bilin ng dalaga. "Okay," aniya saka siya pumihit patalikod para bumalik na rin ng bahay. Pero bago pa man siya tuluyang nakaalis ay tinawag siya ng kanyang kaibigan. Napatingin siya rito at lumapit naman sa kanya si Jackie Lou. Labis ang pagkabigla niya nang bigla itong yumakap sa kanya kaya ang puso niya biglang kumabog ng kaylakas. "Thank you," pabulong nitong sabi habang nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya. "Para saan?" takang-tanong niya. "Para sa ginawa mo sa akin ngayong araw na 'to," sagot ng dalaga kasabay ng pagkalas nito mula sa pagkakayakap sa kanya. "Asos! Wala 'yon! Basta ikaw, bestfriend," masaya niyang sabi sabay gulo niya sa buhok nito na para bang bata na siya namang nagpangiti sa dalaga. "Balang-araw, makakaganti rin ako sa'yo lalo na kapag nakapag-asawa ako ng mayaman, higit pa doon ang ibabalik ko sa'yo," litanya ng dalaga na siyang nagpaiba sa ihip ng hangin para kay Theodoro. Okay na sana, pero bigla ba naman nitong inungkat ang tungkol nito sa pangarap nitong makapag-asawa ng isang mayaman na mag-aahon sa mga ito mula sa kahirapan na siya namang hindi makikita kay Theodoro. "Sige na, masyadong malalim na ang gabi. May trabaho ka pa bukas. Kailangan mo nang matulog para hindi ka mapuyat," pag-iiba niya nang usapan. "Sige, babay," paalam nito. Hinintay muna niya itong makapasok sa loob ng bahay nito saka na siya tuluyang umuwi sa kanilang bahay. Bumagsak ang katawan niya sa ibabaw ng kanyang higaan. Napatingin siya sa kisame at unti-unting namumuo sa mga labi niya ang matamis na ngiti nang nanariwa sa kanyang ala-ala ang nangyari kanina habang kasama niya si Jackie Lou pero ang ngiting iyon ay agad namang nawala ng sumagi sa isipan niya ang sinabi nito na nais nitong makapag-asawa ng mayaman. Noon pa man ay iyon na ang pangarap ni Jackie Lou na naging dahilan kung bakit bakit ayaw niya o hindi niya magawang magtapat ng pag-ibig para rito at isa pa, ano bang kayamanan ang mayroon siya? Simpleng tao lang siya. Simpleng pamumuhay lang ang kinalakihan niya at wala siya no'ng mga bagay na pinapangarap ng kanyang kaibigan na gusto nitong maabot. Hindi niya kayang ibigay sa dalaga ang hinahangad nitong kaginhawaan kaya mas pinili na lamang niyang manahimik at mahalin ang kaibigan sa tago kahit pa may mga panahon na nasasaktan na rin siya. "Heto na po ang pamasahe ko," sabi ng isang Ale kay Theodoro matapos niya itong ihatid na pupuntahan nito. "Thank you," aniya saka niya ito tinanggap at agad na umalis pabalik sa palengke. Nakailang pasahero na rin siya kaya kahit papaano'y may kita na  rin siya. Habang abala si Theodoro sa pamamasada nang araw na 'yon ay bigla siyang nakatanggap ng tawag galing sa kanyang kaibigang si Jackie Lou. "Theo," tawag ni Jackie Lou sa kanya mula sa kabilang linya. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala niyang tanong nang marinig niya ang paghikbi nito. "Theo, asan ka?" umiiyak nitong tanong. "Nasaan ka ba? Pupuntahan kita," sabi niya at agad naman niyang pinuntahan ang dalaga matapos nitong sabihin kung nasaan ito ngayon. Mula sa di-kalayuan ay nakita niya ang kaibigan na nakaupo sa isang bench habang humihikbi pa. Dali-dali niya itong nilapitan matapos niyang i-park nang maayos ang dala niyang tricycle. "Jack?" tawag niya rito. Agad na napatayo ang dalaga nang marinig nito ang kanyang boses. "Theo," sambit naman nito sa kanyang pangalan at nang makalapit na siya rito ay walang babalang napayakap ito kaagad sa kanya saka tuluyang napahagulhol ng iyak. "Anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong habang hinagod-hagod niya ang likod nito. "He's cheated on me," humihikbi nitong sabi sa kanya nang muli niya itong pinaupo sa bench. May boyfriend ito na isang manager sa isang kilalang kompanya pero nang malaman nito ang totoong estado ni Jackie Lou sa buhay ay unti-unti itong nagbago at nakita na lamang ni Jackie Lou ang pagtataksil nito. "Hindi lang siguro siya ang nakatakda para sa'yo kaya nangyari 'yon," saad niya habang pilit niya itong pinapakalma. Napasigok na lamang ang dalaga at dahan-dahan itong isinandal ang sarili nito sa kanyang balikat. "Ano ba ang dapat kong gawin para hindi na nila ako iiwan?" hopeless nitong tanong. "Ang dapat mong gawin ay ang magpapakatotoo ka lang sa sarili mo," aniya. "Kung magpapakatotoo ako, iiwanan naman nila ako." "May dahilan kung bakit ka nila iniwan. Hindi sila ang itinakda ng Diyos para sa'yo. May darating  sa buhay mo na mas nakahihigit pa sa kanila. Okay?" Dahil masama ang kalooban ni Jackie Lou, nakiusap ito sa kanya na kung maaari, samahan muna niya ito pakalmahin ang sarili at hindi naman niya iyon matatanggihan. Inabot sila ng dilim sa labas. Iniwan muna niya sandali ang dalaga para bumili ng makakain nila pero nang bumalik siya ay nakahiga na ito sa inuupuan nilang bench at tulog na tulog na. Dahan-dahan siyang lumakad palapit dito at bahagya siyang napaluhod para magpantay ang kanilang mukha saka niya hinawi ang iilang hibla ng buhok nito na nakatakip sa mukha nito. Napatitig siya sa mukha ng kanyang kaibigan habang mahimbing itong natutulog. "Kung ano na lang sana ang minahal mo, hindi ka sana magkakaganito," pabulong niyang sabi habang nanatili siyang nakatitig sa mukha nito. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga. He wants to kiss her kahit sa ganitong sitwasyon lang. Nang akma na sana niyang dampian ng halik ang pisngi nito ay siya namang pagmulat ng mga mata ng dalaga na siyang ikinabigla niya. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Jackie Lou.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD