CHAPTER 2

1622 Words
"Ma, Pa, alis na po ako," paalam ni Jackie Lou sa kanyang mga magulang isang umaga na habang papaalis na siya papuntang trabaho. Nagtatrabaho siya sa isang department store kung saan barya-barya lang ang sahod pero okay na rin 'yon atleast kahit papaano, may buwanan siyang income. "Ingat ka, huh," bilin sa kanya ni Aling Soledad.  "Opo, Ma," magiliw naman niyang sagot. "Alis na po ako, Pa," baling niya sa kanyang amang si Ben na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin sa pagsasalita. Napangiti ito nang bahagya at isang malutong na halik ang iginawad niya sa pisngi ng kinikilalang ama saka siya tuluyang lumabas ng bahay. Pagkalabas na pagkalabas niya ay siya ring pagdaan ni Theodoro para mamasada na. "Saan ka pupunta? Hatid na kita," kusang sabi nito sa kanya na siya namang agad niyang pinagbigyan. "Hatid mo 'ko sa trabaho ko," sabi niya nang makaupo na siya sa tabi nito. Pagkarating nila ay agad naman siyang bumaba saka niya muling binalingan ang kaibigan. "Salamat sa paghatid," nakangiti niyang sabi. "8:00 p.m ang out ko mamaya baka gusto mo akong sunduin," dagdag pa niya. "Kapal talaga! Hindi mo pa nga ako binabayaran sa pamasahe mo," sabi naman ni Theodoro sa kanya. "Ano ka ba, libre lang 'yon! Parang hindi naman tayo magkaibigan niyan," kunwaring nagtatampo niyang pahayag. "Mamumulubi ako sa niyan at isa pa, wala nang libre sa panahon ngayon, nuh?" Nakangiting lumapit si Jackie Lou sa kaibigan. "Gwapo ka naman, eh kaya hayaan mo na, okay?" nambobola pa niyang saad. "Haist! Nambobola ka naman." Muling napangiti si Jackie Lou dahil alam niyang pumapayag naman talaga si Thoedoro sa gusto niya. Alam din niyang nagbibiro lang ang kanyang kaibigan sa mga tinuran nito sa kanya ngayon. "Babay," nakangiti niyang pagpaalam dito. "8:00 p.m mamaya, huh!" pasigaw pa nitong sabi sabay turo sa suot nitong relo habang naglalakad papasok sa department store. Bago pa man ito tuluyang nakapasok ay muli siya nitong nilingon sabay kaway. Napangiti na lamang si Theodoro sa kanyang kaibigan. Kahit na gaano kalaki ng problema, makita lang niya ang ngiti nito ay okay na siya, masaya na siya. Buo na ang kanyang ara! "Kuya, pwede po ba pahatid sa Esmerald Subdivison?" Napalingon si Theodoro sa babaeng nagsalita mula sa kanyang likuran. At nang makita ng babae ang kanyang mukha ay sandali itong napatulala. "Miss?" tawag niya rito saka niya iniwasiwas ang kamay sa harap ng mukha nito nang hindi pa rin ito nagsasalita. "Huh?! Hi," nahihiyang saad ng babae nang magising na ito sa katotohanan. "Tara na," aya niya rito at dali-dali naman itong pumasok sa kanyang tricycle at umupo pa malapit sa kanya at hindi pa ito nakuntento, talagang dumikit pa ito sa kanya. "Ah, miss, pwede bang umusod ka nang konti doon?" sabi niya rito nang hindi na siya nakatiis. "Ay, oo! Sorry," nakangiti pa nitong sabi saka dahan-dahan na umusod palayo sa kanya pero habang nasa kalagitnaan sila ng pagba-biyahe ay unti-unti na naman itong dumidikit sa kanya hanggang sa nakarating na sila sa bahay nito. Tinulungan niya itong maibaba ang mga pinamili nito at pagkatapos ay binayaran na siya nito ng pamasahe. Pero bago pa man nito ibinigay sa kanya ang pamasahe nito ay inilahad nito ang kamay nito sa kanyang harapan. "Katrina," sabi nito habang nakalahad ang kamay nito. Nagkatagpo ang kanyang kilay dahil hindi niya alam kung ano ang gusto nitong gawin. "You can call me Trina or Kat," nakangiti pa rin nitong sabi sa kanya. Napatingin siya sa kamay nito na nakalahad pa rin sa kanyang harapan. Nagdadalawang-isip pa rin siya kung tatanggapin ba niya ito o hindi pero bago pa man siya naka-react ay kinuha na nito ang kanyang kamay na nakahawak sa manibela ng tricycle. "Nice to meet you, Theo," nakangiti pa rin nitong sabi na siyang ikinataka niya. "B-ba't alam mo ang pangalan ko?" kunot-noo niyang tanong nang pinakawalan na nito ang kanyang kamay. Kibit-balikat lang ang tanging tugon nito sa kanya saka na ito pumasok ng bahay na may ngiti pa rin sa mga labi. Napailing na lamang ang binata sa naging asal ni Katrina. "May sasakyan ka naman, bakit kailangan mo pang mag-tricycle?" tanong ni Mercides sa kararating lang na anak na si Katrina. "Eh, kasi po may gwapong tricycle driver du'n sa palengke." Napatingin si Mercides kay Aling Luna sa naging tugon nito at binalingan niya kaagad ng tingin ang anak. "Aling Luna naman," agad namang react ng dalaga pero ngumiti lang ang matanda. "So, what does it mean?" tanong ng ginang. Napangiti lang si Katrina sa naging tanong ng ina. Si Katrina Burgos ay isang simpleng babae na pinalaki ng kanyang ina sa maayos na paraan kahit wala na itong ama. 28 years old na siya at maayos ang naging buhay dahil na rin sa tulong ng kanyang tiyuhin na nasa ibang bansa. Matagal na siyang may itinatagong pagtingin kay Theodoro. Una niya itong nakita sa palengke nang sapilitan siyang isama ng kanyang ina sa pamamalengke. Nang makita niya si Theodoro, talagang na love at first sight siya rito pero dahil nahihiya pa siya noong lapitan ang binata, mas pinili na lamang niyang pagmasadan ito sa malayo. Nagtanong-tanong na rin siya kung ano ang pangalan nito kaya niya ito nakilala. Kanina lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para magpakilala rito at isa pa, hindi naman niya sinasadyang si Theodoro ang kanyang malapitan ng mga oras na 'yon at dahil du'n, nagkalakas-loob na rin siyang magpakilala rito. "Oh, pa'no, Jack? Una na 'ko sa'yo. May sasakyan na ako, oh," paalam ni Rose sa kanya nang magsiuwian na sila. Si Rose ay isa sa mga katrabaho niya sa department store kung saan siya nagtatrabaho. "Oo, sige. Ingat ka. Diretso sa bahay, huwag sa kung saan-saan," pagbibiro pa niya. "Oo, naman!" sabi nito saka sumakay na ng jeep. Nagkawayan muna sila bago pa tuluyang nawala sa paningin niya ang sinasakyan nitong jeep. Medyo may kalayuan kasi ang pinapasukan nilang department store sa kani-kanilang bahay kaya kailangan pa nilang sumakay. Napatingin siya sa kanyang watch na suot, quarter to 8:00 pa lamang kaya hihintayin niya muna sandali ang kanyang kaibigan. Alam niyang darating si Theodoro! Napahikab na lamang siya sa kahihintay sa kanyang kaibigan pero wala pa ring Theodoro na dumating. 15 minutes na ang lumipas sa 8:00 ng gabi kaya medyo nababagot na siya. Maghihintay pa rin siya dahil alam niyang darating at darating pa rin talaga si Theodoro para sunduin siya. Napatingin siya sa isang motorsiklo na bigla na lamang huminto sa kanyang harapan at dahil naka-helmet ang may sakay, hindi niya ito nakikilala pero maya-maya lang ay dahan-dahan nitong tinanggal ang suot na helmet at muntik na siyang mapatalon ng makilala niya ang sakay ng humintong motorsiklo sa kanyang tapat. "Theodoro Buenavista?!" pasigaw niyang sambit sa kaibigan. "Aray, Jack! Ang sakit sa tainga! Grabe 'tong babaeng 'to, huwag mo ngang ipinagsigawan 'yang pangalan ko." "Bakit, ano namang masama kung ipinagsigawan ko ang Theodoro Buenavista?" sabi niya at sinadya pa niyang idiin sa pagkakabigkas ang pangalan nito. "Ay, naku! Paulit-ulit? Sasakay ka ba o hindi?" "Eh, kaninong motor ba 'yan? Saan mo 'to ninakaw? Ang ganda, aray!" sigaw ni Jackie Lou nang bigla ba namang binatukan ni Theodoro. "Ba't mo 'ko binatukan?" tanong nito habang hinimas-himas pa nito ang ulong binatukan ng binata. "Eh, kasi ang ingay-ingay mo. Ano bang tingin mo sa akin, magnanakaw?" "Ito naman, hindi mabiro. Eh, saan mo ba talaga 'to nakuha?" "Hiniram ko muna sa kapit-bahay natin kasi nagka-aberya 'yong tricycle ko," pagtatapat nito. Kaya pala natagalan. "Eh, di sana hindi mo na lang ako sinundo," aniya. "Gabi na saka, delikado ang panahon ngayon." Napangiti na lamang si Jackie Lou sa narinig niya galing sa kanyang kaibigan. "Bakit ka ngumingiti ka diyan? Alam mo bang para kang timang?" Napapiksi na lamang si Theodoro nang bigla ba namang lumapit sa kanya si Jackie Lou sabay yakap sa kanya nang mahigpit. "A-anong meron?" tanong niya kahit pa tumatambol na ang kanyang puso dahil sa pagyakap ba ginawa ng kanyang kaibigan. "Masaya lang ako kasi concern ka sa akin," madamdamin niyang sabi. Dahan-dahan na binaklas ni Theodoro ang kanyang kamay na nakayakap dito at nagkunwaring nandidiri para hindi nito mahahalatang natataranta na pala siya habang ang puso niya patuloy pa rin sa pagkabog. "Natural lang, nuh? Kaibigan kaya kita," sabi nito kahit na ang totoo, iba ang sinasabi ng puso nito. "Salamat," nakangiting saad ni Jackie Lou nang kumawala na ito mula sa pagkakayakap sa kanya. "Welcome po," sabi nito sabay pisil ng tungki ng kanyang ilong. "Halika na," aya ng binata. Inabot niya rito ang isang helmet na dala saka inayos niya ang kanyang sarili para umalis na pero laking pagtataka niya nang hindi gumagalaw si Jackie Lou sa kinatatayuan nito kaya napatingin siya rito. "Bakit?" takang-tanong niya. Inabot nito sa kanya ang inabot niyang helmet dito. Alam na niya ang gusto nitong gawin niya. Gusto nitong siya na ang magsusuot dito ng helmet kaya wala siyang nagawa kundi kunin ang hawak nitong helmet saka niya ito isinuot sa ulo nito habang nakataas ang kanyang kilay. Napangiti namang nakatingin si Jackie Lou kay Theodoro habang sinusuotan siya nito ng helmet. "Ayan, tapos na po kamahalan," sabi ni Theodoro sa kanya nang matapos nitong ayusin ang kanyang helmet. "Thank you," nakangiti niyang sabi saka agad na siyang umangkas. Napatingin si Theodoro sa dalawang kamay ng kanyang kaibigan na walang babalang yumapos ito ng yakap sa kanyang beywang. "Hindi ako makakagalaw niyan kung pati jacket ko yayakapin mo rin," aniya. "Eh, anong gagawin ko?" kunot-noong tanong ni Jackie Lou. Bahagyang itinaas ni Theodoro ang laylayan ng kanyang jacket saka isinuksok ni Jackie Lou ang dalawang kamay nito. Lihim na napangiti ang binata nang maramdaman niya ang paghigpit ng pagyapos ni Jackie Lou sa kanyang beywang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD