CHAPTER 1

1638 Words
"Oy, Jack! Buti naman at hindi mo pa kami nalilimutan. Halika tuloy," aya ni sister Lina sa kay Jackie Lou o mas kilala sa tawag na Jack. Si Jackie Lou ay lumaki sa isang bahay-ampunan. Dito siya iniwan ng kanyang tunay na magulang na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita at nakilala. Sanggol pa lamang siya nang iwanang siya sa labas mismo ng bahay-ampunan na naging bahay na rin niya. "Sister naman! Kayo pa malilimutan ko? Eh, dito kaya alo lumaki," nakangiti naman niyang saad. "Hay, naku! Pasensiyahan mo na si sister Lina mo, Jack. Namiss ka lang niyan, eh pa'no kasi siya ang nag-alaga sa'yo noon," singit naman ni sister Rosy na nakatayo lang sa tabi ni sister Lina. "Oo nga po, eh. Kaya nga ang laki ng pasasalamat ko sa kanya at sa inyo na rin." "Ang laki-laki mo na talaga, Jack. Ibang-iba ka na talaga kaysa noon," puna sa kanya ni sister Lina na siya namang sinang-ayunan ni sister Rosy. "Dalaga na kasi," sabi naman ni sister Rosy. "Ang bilis kasi ng panahon," saad naman ng dalaga. "Tama kaya nga nagugutom na ako. Pananghalian na kasi!" pabiro namang pahayag ni sister Rosy na siyang nagpatawa sa kanila. "Tara na sa loob at makapag-pananghalian na," aya sa kanila ni sister Lina. "Tara po! Nagugutom na rin ako," bulalas naman ng dalaga. Pumasok na sila sa loob ng bahay-ampunan at masayang nagsalu-salo sa isang pananghalian. Si Jackie Lou Paleros ay isang batang babaeng nagkaroon ng wastong pag-iisip sa loob ng isang bahay-ampunan at doon siya nakilala ng mag-asawang Paleros na tumutulong sa bahay-ampunan. Inampon siya ng mga ito. Salat man sa yaman ang mag-asawang Paleros, mayaman naman ang mga ito sa pagmamahal. Dahil mahirap magkaanak ang mga ito, kapag hindi sila busy ay ginugugol nila ang oras at panahon nila sa bahay-ampunan, tumutulong sila sa pag-aalalaga ng mga bata pati na rin sa pag-aalaga ng naging bahay ng mga ito at dahil na rin du'n kahit papaano, pakiramdam din ng mag-asawa na mayroon silang anak hanggang sa dumating sa lugar na 'yon si Jackie Lou na natagpuan sa labas at nakabalot pa sa kumot. Walang pangalang iniwan para sa kanya maliban lang sa isang bracelet na nasa tabi niya kaya ang mga tao na rin sa bahay-ampunan ang nagbigay sa kanya ng pangalan. Napalapit si Jackie Lou sa mag-asawa kaya pinahintulutan na sila ng madre na ampunin nila ang bata.  Walang pagsidlan ang kaligayahan na nadarama ng mga ito. "Parang kailan lang, isa ka sa mga batang naghahabulan diyan," ani sister Lina kay Jackie Lou habang nakaupo sila sa isang bench at nakamasid sa mga batang walang kamuwang-muwang sa mundong ginagalawan ng mga ito. "Oo nga po, eh. Ang bilis ng panahon, ano? Sa sobrang bilis, hindi na natin napansin na ang haba na pala ng panahong lumipas," malungkot na saad ng dalaga habang nasa mga bata nakatuon ang kanyang mga mata. "Oo nga. Ikaw..." baling sa kanya ni sister Lina, "...kumusta ka na kina Aling Soledad? Okay ka lang ba du'n?" tanong nito sa kanya. "Kahit nga po hindi ko sila totoong pamilya, hindi naman sila nagkulang ng pagmamahal sa akin," nakangiti niyang pahayag. "Mabuti naman kung ganu'n. Palubog na ang araw, hindi ka pa ba uuwi?" "Ayaw niyo na ba sa'kin kaya pinagtatabuyan niyo na ako?" pabiro niyang sabi na siyang nagpangiti sa kanyang kausap. "Ikaw talaga, Jackie Lou! Siyempre, hindi ganu'n! Nag-aalala lang ako sa magiging kaligtasan mo." "Joke lang po. Sige po, uuwi na po ako baka kasi mag-aalala na rin sina Mama," sabi niya saka siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa bench. "Ingat ka, huh? Balik ka dito kapag may oras ka," bilin ni sister Lina sa kanya. "Opo," aniya saka sinabayan pa niya ng marahang pagtango. Niyakap ni Jackie Lou si sister Lina saka na siya nagpaalam dito. Nagpaalam muna siya sa mga bata at sa iba pang mga sister saka na niya tuluyang iniwan ang lugar na kanyang kinalakihan. Marami ng nagbago at isa na doon ang pananaw niya sa buhay pero ang puso niya kailanma'y hindi iyon nagbago at kahit anong mangyari, hinding-hindi iyon magbabago. Mananatili sa puso niya ang mga taong nagmamahal sa kanya pati na ang lugar na nakipagsimpatya sa kanya noong naghahanap at nangungulila siya sa pagmamahal ng mga magulang. "Gising!" Niyugyog ni Jackie Lou ang balikat ng kanyang bestfriend na si Theodoro o mas kilala sa tawag na Theo. Naging magkaibigan sila noong ampunin na siya ng mag-asawang Paleros mula sa isang bahay-ampunan kung saan siya iniwan ng kanyang ina na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikilala o nakikita man lang. Kapit-bahay ni Aling Soledad ang pamilya ni Theodoro at malapit ding magkaibigan sina Aling Soledad at si Aling Tonying, ang ina ng binata kaya naging malapit din silang magkakaibigan nito mula pa noong mga musmos pa lamang silang dalawa. At dahil kapit-bahay lang niya si Theodoro ay naging madalas na niya itong naging kalaro noong mga bata pa sila at naging tagapagtanggol na rin niya ito kapag inaaway siya ng ibang mga bata. "Theo, ano ba?! Babangon ka ba o hindi?" Inimulat ng binata ang kaliwa nitong mata pero nang makita siya nito ay muli naman nitong ipinikit ang mata ma siyang medyo nagpainis sa dalaga. "Ayaw mo? Sige!" Umakyat ng higaan si Jackie Lou at saka sinimulan niya ang paglundag sa ibabaw ng higaan ng kanyang kaibigan. "Ayaw mo talaga?" aniya saka muli niyang itinuloy ang paglundag pero hindi pa rin apektado ang binata kaya walang anu-ano'y dinaganan niya ito since nakadapa naman ito. "Aray, Jack! Ang bigat mo!" angal nito at siya naman ang hindi nagpaapekto. "Ayaw mo kasing bumangon," sagot naman niya habang nakadagan pa rin siya rito. "Paano ako makakabangon, eh nakadagan ka sa akin." Agad siyang umalis sa likod ng kanyang kaibigan kaya agad na bumangon ito at pinagmasdan siya nito na mapupungay pa rin ang mga mata. "Ba't ba ang aga-aga, nangingistorbo ka na?" tanong ni Theodoro sa kanya na siyang lalong nagpainis sa dalaga. "Ang tagal mo ngang nawala tapos 'yan lang ang sasabihin mo? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kumusta ako, kung anu-ano ang mga pinaggagawa ko habang wala ka o kung... namiss ba kita." Napatingin si Theodoro sa seryosong dalaga at lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Kauuwi lang niya galing ng probinsiya dahil sa nabalitaang masamang balita. Nagkasakit ang kanyang lola na ina ng kanyang ina kaya umalis siya papuntang probinsiya para alagaan ito. Gugustuhin man nilang dalhin na lamang ito sa kanilang tinitirhan ngayon ay ayaw namang sumama. May mga kamag-anak din naman silang nagbabantay doon pero nagkataon lang talaga na sa mga panahong iyon ay walang makakabantay sa kanyang lola kaya umuwi na lamang siya para bantayan ito. "Bakit namiss mo ba ako?" tanong niya rito. "Oo naman! Bestfriend kita. Bakit ako, hindi mo ba namiss?" tanong sa kanya ng kanyang kaibigan habang nakatingin ito sa kanya. "Hindi," matipid niyang sagot. "Kainis ka," sabi nito sabay kunwaring nagtatampong. "Hindi lang kita namiss, miss na miss sobra!" Lumiwanag ang mukha ni Jackie Lou sa narinig nito mula kay Theodoro at walang anu-ano'y napayakap ito sa binata at nagbigay naman iyon ng munting ligaya sa puso niya. "Akala ko, hindi ka na babalik," malungkot na saad ni Jackie Lou matapos itong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. "Ano ka ba? Babalik talaga ako dahil kung hindi na ako babalik, sino ang magtatanggol sa lampa kong bestfriend---Aray naman, Jack! Bakit mo'ko binatukan?" Kinapa ni Theodoro ang sariling ulong binatukan ni Jackie Lou. "Ako, lampa? Sira ka talaga," naka-pout niyang sabi. "Eh, totoo naman, ah!" giit pa ng binata. "Ah, ganu'n?" Dinampot ni Jackie Lou ang unan na nasa kanyang tabi at pinaghahampas niya ito kay Theodoro. Hindi naman nagpatalo ang kaibigan kaya tuloy para na silang batang naghahampasan ng unan. Ganito sila ka-intimate sa isa't-isa. Ganito sila kapag magkasama at kapwa naman nilang ipinagpasalamat sa Diyos ang presence na bawat isa na kapwa nila nadarama. Ang hindi lang alam ni Jackie Lou ay ang lihim na pagtingin ni Theodoro para sa kanya magmula pa noonb natutunan nito ang magkagusto at humanga sa isang babae. Ang damdaming 'yon ni Theodoro ay itinago niya sa kanyang kaibigan hanggang ngayon dahil sa nararamdaman niyang bestfriend lang talaga ang  turing nito sa kanya ni Jackie Lou. Ayaw niyang mawala sa kanya ang dalaga at ayaw din niyanh masira ang kanilang pagkakaibigan. Pangarap ni Jackie Lou ang makapag-asawa ng isang mayaman dahil para sa kanya, ito lang ang tanging paraan para maiahon niya sa kahirapan ang kanyang mga magulang. High school ang tinapos niya at nakapag-college siya pero hanggang second year college lang dahil biglang nagkaproblema ang kanyang kinikilalang ama. Inatake ito at na-stroke na siyang dahilan para mapahinto siya sa pag-aaral para tumulong sa kanyang ina sa pagtatrabaho para mabuhay nila ang kanilang pamilya. Ayaw man ng kanyang kinikilalang ina ang huminto siya sa kanyang pag-aarala, wala pa rin itong nagawa lalo na at siya na ang nagdesisyon. Ayaw kasi niyang nakikita ang mga ito na nahihirapan para lang buhayin ang kanilang pamilya at itaguyod ang kanyang pag-aaral. Kahirapan ang nagtulak kay Jackie Lou para mangarap na mag-asawa ng isang mayamang lalaki na siyang magpapaangat sa kanyang pamilya mula sa kahirapan at alam ni Theodoro ang pangarap niyang iyon kaya wala itong lakas ng loob para magtapat ng tunay na nararamdaman. Mahirap lang din ang pamilyang kinabibilangan ni Theodoro, namamasada lang ang kanyang ginagawa gamit ang tricycle para makatulong sa kanyang ina. Wala na ang kanyang ama, maagang kinuha mula sa kanila ng Diyos kaya hindi na nakapagtapos sa pag-aaral si Theodoro. High school lang ang tinapos niya kaya mahirap sa isang katulad niya ang makapasok sa trabaho sa panahon ngayon. Pero kahit na ganu'n ang buhay nilang magkakaibigan, masaya pa rin sila lalo na kapag nasa piling sila ng bawat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD