Nagkatitigan silang dalawa habang ang puso nila ay parehong nag-uunahan sa pagpintig ng kaylakas. Napakurap ng saglit si Jackie Lou nang biglang tumulo ang tubig na galing sa buhok ni Theodoro at tumama iyon sa kanyang noo. Pakiramdam nila, wala na silang ibang naririnig maliban sa pagpintig ng kani-kanilang mga puso. Nagkakagulo, natataranta at halos walang boses na lumalabas sa kanilang mga labi pero parang naiintindihan naman nila ang hinaing ng bawat puso. Napatitig si Theodoro sa mga labi ng dalaga na laging nang-aakit sa kanya. He wants to taste it again! Dahan-dahan na ibinaba niya ang kanyang mukha palapit sa mukha ng dalaga habang ang kanyang dibdib ay hindi humuhupa sa pagtambol ng kaylakas. Pareho silang napapiksi nang biglang tumunog ang phone ni Jackie Lou na nasa bul

