Dahan-dahan na pumihit si Jackie Lou paharap sa kanyang kaibigan na hindi niya alam kung bakit ganito siya kung tratuhin ngayon. "Sino ka ba sa tingin mo? Ano ba kita? Si Mama ka ba? Girlfriend ba kita kaya dapat pakikialaman mo na ako?" inis na tanong ng binata. Sa bawat pag-aalala kasing ginagawa sa kanya ni Jackie Lou ngayon ay siya namang humihila sa mapapait nilang nakaraan. "A-ano bang pinagsasabi mo?" inosenteng tanong ng dalaga. "Huwag ka nang magkunwari, Jack. Huwag kang maging mabait sa akin. Kinamumuhian mo ako, di ba? Ayaw mo na akong makita, di ba? Gawin mo 'yon para hindi na ako mahihirapan pa!" pabulyaw niyang pahayag sa dalagang naguguluhan pa rin sa kanyang mga pinagsasabi. "Hindi kita naiintindihan!" mangiyak-ngiyak na saad ng dalaga. "Ayaw ko sa mga ginagawa mo sa

