"Hay, naku! Buti at nakauwi ka nang maayos," saad ni Manang Lydia sa kauuwi lang na si Jackie Lou pero hindi na masyadong malakas ang ulan. Napakunot ang noo ng matanda nang hindi si Theodoro ang nakita nitong kasama ng dalaga sa pag-uwi kundi si Marco. "Salamat sa paghatid sa akin, Marc," baling ng dalaga sa kanyang kasama. Nang bumuhos kasi ang malakas na ulan nasa ilalim pa rin siya ng punong kanyang inuupuan, napatakbo na lamang siya paalis at hindi niya inaasahang makikita niya si Marco kaya pinili na lamang niya ang magtagal sa pag-uwi kasama ang binata. "Welcome. Uwi na ako," paalam nito. "Ingat," aniya at ngumiti lamang ang binata saka ito tuluyang umalis. Napatingin si Jackie Lou sa paligid sa pagbabasakaling makita niya si Theodoro para agad naman niya itong maiwasan per

