"Trabaho ang pinunta mo dito, di ba at hindi ang makipaglandian." Agad nagmula ng mga mata si Jackie Lou sa kanyang narinig galing sa kanyang kaibigan. Oo, hindi siya umiiwas sa pag-aalalang hahalikan siya ni Theodoro. Hindi niya ito itinulak dahil sa totoo lang, gusto rin niyang muling maangkin ang mga labi ng kanyang kaibigan. Hindi niya ito sinampal dahil ang puso na niya ang nagsasabing gusto rin ng binata ang halikan siya but was wrong! Kaya pala inilapit ni Theodoro sa kanya ang mukha nito para maibulong nito ang gusto nitong sabihin. Agad niya itong itinulak palayo sa kanya hindi dahil sa nabitin siya o pinaasa sa wala kundi dahil sa napahiya siya. Napahiya siya sa pag-asang magiging okay na sila ng binata ulit. Agad siyang pumihit patalikod para iwan ito pero bago pa man si

