"Theo, makinig ka naman, oh. Alam kong galit ka pa sa akin pero pwede bang this time paniwalaan mo naman ako?" mangiyak-ngiyak niyang pakiusap dito. "Paniwalaan ka? Saan? Sa panibago mong kasinungalingan?" "Theo-----"Tama na, Jack. Huwag mo na kaming lukuhin pa," galit na saad ng binata sa kanya na siyang lalong sumasaksak sa munting puso ng dalaga. "Nagsisinungaling lang siya. Hindi ko magagawa ang------"At sasabihin mong ikaw ang nagsasabi ng katotohanan? Ganu'n ba?" Lalong napaawang ang mga labi ni Jackie Lou sa mga katagang lumalabas ngayon sa bibig ng kanyang nobyo at ang ibang trabahante na kumakain sa labas ng kusina ay nadi-distract na rin sa mga nangyayari. Ang dalawang matanda na nanonood ay hindi makapaniwala na magagawa iyon ni Jackie Lou. Kahi na maikli pa lamang ang pa

