Nag-aalala siya sa isang taong ni hindi man lang niya nakitaan ng paghihirap para sa mga nangyayari sa kanila ngayon. Mukhang siya lang ang nahihirapan sa sitwasyon nilang dalawa. Pakiramdam niya, siya lang ang nahihirapan, siya lang ang nasasaktan. Bakit pa ba siya aasa kay Jackie Lou? Alam naman niyang sa simula pa lang, wala na itong tiwala sa kanya! Parang walang lakas na pumasok ang binata sa loob ng safehouse habang hindi mawala-wala sa isipan niya ang nakangiti na mukha ng dalaga. "Wow! Ang sarap nito." Naaalala niyang saad ni Jackie Lou noong unang beses na dinalhan sila ni Manang Lydia ng cassava cake nang gabing 'yon. Kitang-kita niya sa mga mata nito nang mga oras na 'yon ang galak habang nilalantakan ang cake. "Gabi na, huwag kang masyadong kumain ng matatamis." "Masar

