"Theo, please. Mag-usap naman tayo," pakiusap ni Jackie Lou sa binata nang ilang araw na ang lumipas pero ganu'n pa rin ang pakikitungo sa kanya ng kanyang nobyo. Hindi na niya alam kung sila pa ba o baka lihim na pinutol na ni Theodoro ang anumang ugnayan na mayroon sila. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa," agad namang sagot ng binata sabay alis sa kanyang harapan pero hindi niya ito tinantanan. Kung anumang hindi nila pagkakaunawaan, dapat nila itong pag-usapan. "Theo, alam kong mali ako. Alam kong hindi ko sana itinago sa'yo ang tungkol sa bagay na 'yon. Theo, please," mangiyak-ngiyak niyang sabi. "Hindi ko alam kung ginusto mo ba o hindi ang itago sa akin ang tungkol sa bagay na 'yon, Jack. Ang alam ko lang, nasasaktan ako dahil bumabalik sa akin ang mga pinaggagawa mo sa akin

