"Theo, dinalhan kita ng inumin. Heto." Agad inabot ni Jackie Lou sa nobyo ang dala niyang inumin. "Lagay mo lang diyan," malamig na saad ng binata habang hindi man lang ito nag-abalang tingnan siya. Hindi gaya ng dati na halos ayaw pa siya nito pakawalan pero ibang-iba na ngayon. Halos hindi na niya nararamdaman ang pagiging nobyo nito sa kanya. "Theo, may problema ka ba? Pwede nating pag-usapan 'yan baka makakatulong ako sa'yo." "Busy pa ako kaya umalis ka na lang muna," anito habang pilit na inaabala ang sarili sa kanyang ginagawa. Walang ibang nagawa ang dalaga kundi ang umalis na lamang at dumiretso siya sa resthouse kung saan niya nadatnan si Manang Lydia habang nagluluto para sa kanilang pananghalian. Habang tinutulungan niya ang matanda ay lumilipad naman ang kanyang isipan p

