"Jackie Lou," aniya sabay abot sa kamay ni Maika. Ayaw sana niyang tanggapin ang kamay nito pero mau respito pa naman siyang natitira sa sarili at isa pa, ayaw niyang mapasama ang tingin sa kanya ng mga nandu'n lalo na si Manang Lydia. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ng binata sa kanya. "Ah...ano-----"Huwag mo siyang pagalitan, tinutulungan lang niya akong magluto." Si Manang Lydia na ang sumagot sa tanong ng binata. Tiningnan lang siya ni Theodoro nang saglit saka na ito pumihit patalikod para bumalik sa trabaho. "Dito po muna kami," nakangiting paalam ni Maika sa kanila saka agad itong sumunod kay Theodoro. "Aray!" biglang sigaw nito nang natapilok kunwari ito pero alam naman ni Jackie Lou na nagkukunwari lang ito para lang mapansin ng binata at hindi nha ito nabigo dahil agad i

