"Jack, anong nangyari sa'yo?" agad na tanong ni Manang Lydia sa dalaga nang makita nito ang paika-ika nitong paglakad nang ibaba na ito ni Marco. "Nadupilas po kasi ako kanina, Manang habang naglilinis ako du'n sa kulungan ng baka," sagot ng dalaga nang maayos na itong nakaupo. "Bakit naman ikaw ang naglilinis nu'n? May tagalinis naman talaga nu'n," saad ng matanda saka ito dahan-dahan na binalingan ng tingin si Theodoro. "W-wala kasi ang tagalinis kaya siya muna ang inutusan ko para maglinis du'n," agad namang sagot ng binata. "Alam mo bang si Jackie Lou ay------"Manang, okay lang po ako," agad na putol ni Jackie Lou sa iba pa sanang sasabihin ng matanda sa takot na baka mabuko na sila. "...buti na lang at nandito siya, tinulungan niya ako," baling niya kay Marco. "Ano nga ba ang p

