Kabanata 13

1556 Words
Third Person's POV Nakabusangot ang mukha ni Tungsten habang naglalakad pauwi. Ngayon lang siya nakauwi mula ng ipatawag siya ng kaniyang papa. Hindi niya mapigilan ang mapakuyom ang kamao pag naiisip ang nangyaring pag-uusap nilang mag-ama. Gusto nitong ipadala siya sa New York para pamahalaan ang isang branch ng negosyo nila. Ang kanilang pamilya ay may negosyong real estate. Pero ayaw ni Tungsten. Wala ni katiting na interes siya sa pagnenegosyo. Ang gusto lang niya ay ang magluto. Ang pagiging chef ang gusto niyang propesyon na sa kagustuhan ay nagawa niyang ilihim sakaniyang papa ang pagkuha niya ng kursong culinary. Ayaw niyang lumagi sa isang opisina at magperma ng kung anu-ano. Mas gugustuhin pa niyang tumambay sa kusina at maamoy ang usok ng pagkain. "Mag-anak ka na lang ng bago at 'yon ang gawin mong tagapagmana sa negosyo mo pa. Wag ako." 'Yan ang huling mga salitang sinabi niya bago niya nilayasan ang ama. Hindi niya alam kung naintindihan siya nito pero wala na siyang pakialam. Ilang taon na siyang nakatira sa pilipinas kaya kahit purong banyaga ay matatas na siyang magtagalog. Tiningnan niya ang relong pambisig. Ala una na ng madaling araw. Binilisan niya pa ang paglalakad dahil nakakaramdam na siya ng pagkaantok. 'Dang! I want to sleep now' Ilang metro na lang ang layo niya sa bahay at isang likuan na lang ay makakarating na siya kaya tinakbo na niya ang distansya. Gustong-gusto na talaga niyang humiga sa malambot niyang kama. Nang makaliko ay napatigil siya dahil nakita niya sila Berting na nagiinuman na naman. Ayaw niyang magpatuloy dahil tiyak siyang patitigilin siya ng mga ito at aalukin ng alak. Kaya naman ay bumalik siya sa pinanggalingan at nag-iba ng ruta. Dumaan siya sa kakahuyang bahagi ng kanilang baryo. Ito ang ginagamit niyang daan sa tuwing gusto niyang makaiwas kila Berting kaya naman sanay na sanay na ang kaniyang mata sa dilim. Isang minuto na ang tinagal ng kaniyang paglalakad nang sa pangalawang pagkakataon ay napatigil ulit siya. Hindi dahil kina Berting kundi dahil sa isang pamilyar na babaeng tumatakbo. Napakunot-noo siya ng makilala ang babae. "Maya?" Kita niya ang takot kay Maya habang tumatakbo palayo sa kung anong dahilan ay hindi niya alam. Tatakbo na din sana siya para sundan si Maya ng may mapansin siyang isang bulto ng tao sa di kalayuan. Kaya dali-dali siyang nagtago. Hindi niya alam kung bakit siya nagtatago pero sinasabi ng isip niyang magtago na agad niyang sinunod. Maliliit ang bawat hakbang ng lalaki pero pansin pa rin niyang kalkulado ang bawat hakbang nito. Tiningnan niya ang kabuoan nito. Nakasuot ito ng itim na jacket. Ang hood ay nakalaylay lang sa likod. Sinubukan niyang aninagin ang mukha nito pero hindi niya makita dahil sa dilim. Tiningnan niya ang bilog na buwan, nakatago na ito sa mga ulap kaya naman dumilim ang paligid. Binaling niya ulit ang tingin sa lalaki. Tumigil ito ilang hakbang mula sakaniya at inilibot ang paningin sa paligid. Parang may hinahanap. Dali-daling umuklo si Tungsten at pinigilan ang paghinga. Nakasilip padin siya sa lalaki kaya naman halos lumuwa ang mata niya dahil sa biglang paglaho ng lalaki. "P*ta!" Mura niya dahil sa nasaksihan. Hinawakan niya ang dibdib at kinusot ang mga mata. Gulat na gulat siya at kung hindi pa niya narinig ang sigaw ni Maya ay hindi siya matatauhan. Agad siyang tumakbo kung saan nanggaling ang sigaw pero huli na dahil nakita na lang niyang nakahiga si Maya sa lupa. Nilapitan niya si Maya at pilit ginigising. Pero ayaw magising ng dalaga kaya naman binuhat na niya 'to at tumakbo. Agad tumakbo si Tungsten sa bahay ng kaniyang step mom na si Taya habang buhat-buhat si Maya. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman sa mga sandaling 'yon. Pero hindi man niya aminin ay nakakaramdam siya ng pag-alala para sa dalaga. Nang maabutan niya itong nakahiga at walang malay sa lupa kanina ay inakala niyang wala ng buhay si Maya. Marami itong sugat dahil siguro sa pagtakbo at ang damit ay puno ng dugo. Ang leeg ay inaagusan din ng dugo dahil sa dalawang malalalim na bilog na sugat. Pero nang makapa niya ang pulsuhan nito ay nakahinga siya ng maluwag nang maramdamang may pulso pa 'to. At ito nga dinala niya kila Taya si Maya. Dito niya dinala dahil hindi niya alam kung anong dapat gagawin. Hindi din naman niya dala ang cellphone kaya hindi siya makatawag ng ambulansya. "Madaling araw na, sino—" Napatigil sa pagsasalita si Taya at ang inaantok na mata ay nanlaki dahil sa nabungaran. Nakatayo sa kaniyang harapan si Tungsten na pawis na pawis at hinihingal habang lukot ang damit at madumi ang sapatos at si Maya na puno ng dugo ang katawan at walang malay. "Anong nangyari?" Gulat niyang tanong. Agad niyang pinapasok si Tungsten at inutusang ilapag si Maya sa bakanteng silid. Agad tumalima si Tungsten at inilatag ang walang malay na si Maya sa kama. "Anong nangyari? Anong ginawa mo Tungsten?" Ulit ni Taya habang pumapasok sa silid at may dala ng maligamgam na tubig. "Wala akong ginawa, ate." Mahinang sabi ni Tungsten habang nanatiling nakatingin kay Maya. "Nakita ko na lang siyang nakabulagta sa daan." Kinapa ni Taya ang leeg ni Maya para maramdaman kung may pulso pa ba. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman ang pintig ng pulso nito. Hindi maiwasan na makaramdam ng pagkahabag si Taya habang pinagmamasdan ang dalagang nakahiga sa kama. Ang mukha nito ay napakaputla na parang nawalan ng dugo. Ang leeg nitong may dugo, ang damit na nawala sa pagkabutones at ang mga paa'ng puro sugat. Pinunasan niya ang katawan nito at nilinis ang mga sugat. Hindi niya maiwasan ang magtaka habang nililinis ang leeg nitong may dalawang maliit na butas na sugat. Para itong kinagat ng hayop. Nang matapos linisin ay nilagyan niya ng benda ang leeg at band aid naman sa paa. Mabuti na lang talaga at hindi malala ang sugat na tinamo ni Maya sa leeg kaya hindi na niya kailangang tumawag ng ambulasya. 'Sinong halang ang kaluluwang gumawa sa'yo nito Maya?' Tanong niya sa isip. Nang matapos niyang punasan at bihisan si Maya ay lumabas na siya ng silid dala ang plangganang may tubig. Nakita niya si Tungsten na nakaupo sa sofa kaya nilapitan niya ito matapos mailagay ang dala sa kusina. Maayos na ang ayos nito dahil siguro nakapahinga na. Umupo siya sa tabi nito. "Ayos ka lang?" "Oo naman." Hindi tumitinging sabi ni Tungsten. Tumango si Taya. Lumipas ang ilang segundo at pareho silang tahimik dalawa. Pinakikiramdaman lamang ni Taya si Tungsten. Maya't-maya itong nagpapakawala ng buntong-hininga na parang may malalim na iniisip. "Okay na ba siya?" Tanong ni Tungsten na parang hindi na makatiis. "Oo. Mabuti na lang at nadala mo siya dito agad kaya naagapan ang sugat niya sa leeg." "Hindi mo ba talaga nakita kung sinong may gawa sakaniya nito?" Dugtong niya. "H-hindi ko nakita. Wala akong nakita." Mahina ang boses nito na parang may kinokumbinsi. Matamang tinitigan niya si Tungsten. Pilit inaarok kung nagsasabi ba ito ng totoo. "Ano..uuwi na ako. Babalik na lang ako mamaya." Tumayo si Tungsten at nagsimulang maglakad papunta sa pinto. Sumunod naman dito si Taya. "Dito kana matulog." Alok ni Taya. "Hindi na, ate. Nasaan nga pala si Papa?" Nasa hamba na siya ng pinto at akmang lalabas na ng maalala niya ang kaniyang Papa. Hindi niya kasi ito nakita ng dumating sila dito. "Umalis ulit ang Papa mo dahil may nangyaring aberya sa hotel." "Nang ganitong oras?" Gulat na tanong ni Tungsten at napatingin sa relong nasa bisig. Nakita niyang malapit ng mag-alas-tres ng madaling araw. Tumango si Taya. Nagtaka naman siya dahil akala niya tuluyan ng aalis si Tungsten pero bumalik ito at umupo sa inupuang sofa kanina matapos maisaradong mabuti ang pintong binuksan. "Dito na lang pala ako matutulog. Tinatamad na pala akong maglakad." Akmang hihiga ito sa sofa pero agad siyang pinigilan ni Taya. "May bakanteng kwarto sa taas, doon ka mahiga Tungsten." "'Wag na, aalis din naman ako mamayang alas sinco." Sabi ni Tungsten at tuluyan ng nahiga sa sofa. Sinubukan pa siyang pigilan ni Taya pero hindi na siya nakinig kaya umalis na lang si Taya at pagbalik ay may dala ng unan at kumot. Iniwanan na ni Taya si Tungsten nang makita niyang okay na ito at tumaas papuntang hagdan para pumasok sa sariling silid at magpahinga. Habang si Tungsten naman ay hindi makatulog. Binabagabag siya ng nangyari kanina. At 'yan din ang dahilan kung bakit pinili niyang manatili dito. Baka balikan nito si Maya at pagnagkataon madamay si Taya. 'Yon ang kinatatakot ni Tungsten lalo pa't sa kalagayan nito. Tatlong buwang buntis si Taya sa kapatid niya sa ama kaya dapat niyang magbantay. Lumipas ang magdamag na walang masamang nangyayari kaya nakahinga si Tungsten. May liwanag na sa labas ng tingnan niya ang bintana. Tumayo siya sa pagkakahiga at naglakad pataas ng hagdan para tingnan si Maya. Nakapikit parin ito kaya alam niyang hindi pa nagigising ang dalaga. Bumalik na ang kulay nito at may benda na ang leeg. Tumaas ang kamay niya papunta sa leeg nito at hinawakan ang benda. Titingnan niya lang ang sugat nito. Umuklo siya para makita ng maayos ang sugat. Focus na focus siya sa ginagawa kaya hindi niya napansing nakadilat na ang mga mata ni Maya. Kung hindi lang ito nagsalita ay hindi niya pa mapapansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD