Kabanata 14

1610 Words
Maya Naidilat ko ang mga mata nang may maramdamang kamay na nakahawak sa leeg ko. Hindi ko makita kung sino dahil nakauklo ito at hindi ko din naman mailingon ang ulo dahil masakit ang leeg. "A-anong ginagawa mo?" Tanong ko. Hindi ko maiwasan ang ngumiwi nang marinig ang boses. Kaboses ko na si Gollum ng LOTR. Sobrang malat kasi ng lalamunan ko dahil sa uhaw. "Pft." Tiningnan ko ang lalaking nagpipigil ng tawa na walang iba kundi si Tungsten. "Gising kana pala 'my precious' hahaha!" Tiningnan ko siya ng masama. Kung hindi lang talaga masakit ang leeg ko ay nahambalos ko na siya palabas. Mang-asar ba naman. "May nakakatawa?" "Hahaha, sorry naalala ko lang si Gollum." "Wag mo 'kong tawanan dahil hindi tayo close." Ibinalik ko ang sinabi niya sa'kin no'n kaya napatigil siya sa pagtawa. Umismid naman siya. Lihim akong napangitin doon. Akala mo ikaw lang ha? Tameme ka tuloy. Sinubukan kong umupo kahit hirap na hirap ako dahil masakit ang katawan. Tinulungan naman ako ni Tungsten. Mabuti naman akala ko titingnan niya lang akong naghihirap. Isinandal ko ang ulo sa sandalan ng kama at napabuntong-hininga. Ang sakit ng katawan ko at para akong binugbog. Nang tingnan ko ang paa ay nakita kong may band aid dito. Itinaas ko ang tingin sa kisame at iniisip ang nangyari kagabi. Ano bang nangyari? Dagling bumuhos ang mga alaala ng nangyari kagabi. Napatuwid ako ng upo at inilibot ang paningin sa paligid. Baka nandito siya at sinundan ako. Ang katawan ay nagsimulang manginig. Ang takot ay muling bumalik. "Anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Tungsten nang mapansin niya ang panginginig ng katawan ko. Hindi ko siya pinansin at pinilit tumayo. Muntik pa akong matumba kung hindi lang niya ako naalalayan. Napakislot ako sa hawak niya at agad umatras dahilan para matumba ako sa kama. "Ayos ka—" Akma siyang lalapit sa'kin nang tinulak ko siya at pumasok sa isang pinto. Bumungad sa'kin ang banyo pagkapasok. Padausdos akong umupo at pilit hinahabol ang hininga na hindi ko namalayang kanina ko pa pinipigilan. "Relax Maya. Si Tungsten 'yan. Hindi 'yan 'yong hayop na muntik ng gumahasa sa'yo." Sabi ko sa sarili, pilit kinukumbinsi. Pinikit ko ang mata pero agad ding napamulat dahil naalala ko na naman ang taong gumawa sa'kin nito kagabi. Muling nanginig ang katawan ko. Napaka hayop niya! Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya 'to. Ilang minuto ang lumipas bago ko mapakalma ang sarili. Nang om-okay na ay lumabas na ako. Nabungaran ko naman si Ate Taya na nakaupo sa kama. May hawak siyang isang baso ng tubig. Nang makita ako ay tumayo siya at nilapitan ako. "Ayos ka na ba?" Tumango ako. "Inumin mo tong tubig." Ininom ko ang tubig at agad napawi ang kanina ko pa iniindang uhaw. "Si Tungsten ate..." Hindi ko alam kung anong idudugtong. Mukha naman niyang nahalata sa mukha ko kaya ngumiti siya. "Umuwi na." "Ano pa lang ginagawa niya dito, ate? Hindi naman siya pumupunta dito ah?" "Siya ang nagdala sa'yo dito." "Huh?" "Nakita ka niyang sugatan at walang malay sa daan kaya dinala ka niya dito." Natahimik ako sa narinig. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa inasta kanina. "Ano bang nangyari Maya?" Tanong ni Ate Taya bago niya ako inakay at pinupo sa kama. Kinuwento ko sakaniya ang nangyari kagabi. Kung paano ako muntik ng magahasa at kung paano ako tumakbo at mawalan ng malay. "Jusko!" Hindi makapaniwala si Ate sa narinig. Naitakip niya pa ang mga kamay niya sa bibig. "Kailangan nating ireport to sa pulisya." Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Nakita mo ba ang mukha ng taong 'yon Maya?" Umiling ako. Hindi ko nakita dahil iba ang nabigyan ko ng atensyon kagabi. Ang mapula niyang mata. Mas domuble ang takot ko sa naalala. "Huwag na ate..." Umiling-iling ako. Dahil alam kung walang magagawa ang mga police dito. Hindi tao ang hayop na 'yon. Isa siyang bampira. Isang demonyo! "Anong huwag na? Hahayaan mo na lang magpagala-gala ang taong 'yon? Paano kung balikan ka niya?" Sigaw ni ate at hindi na mapigilan ang pagtaasan ako ng boses. Ito ang unang beses niyang sigawan ako. Ang boses ay may galit kaya nanibago ako. Si ate Taya ang kilala kong tao na mahinhin at palaging kalmado kaya ang marinig siyang sumigaw at magalit ay nakakapanibago. "'Wag kang mag-alala kung ang inaalala mo ay pera ako ang gagastos, maipakulong lang natin ang hayop na gumawa nito sayo." Hindi ko mapigilan ang umiyak ulit. Malaki ang pasasalamat ko dahil may ganitong taong handang tulungan ako kahit hindi ako kadugo pero kung ang kapalit naman nito ay buhay niya ay 'wag na lang. Ayokong magsakripisyo ng buhay ng iba. Iba magalit ang taong 'yon. Ang pagbanta pa lang niyang papatayin si Jherome kagabi ay hindi ko na kaya ano pa kaya kung si ate Taya na. Wala pa rin akong nagawa para pigilan si ate sa desisyon niya. Nakita ko na lang ang sarili kong kaharap ang isang police. Nakaupo ako sa sofa katabi si ate Taya habang nasa harapan naman namin ay nakaupo ang isang lalaking police officer na sa tingin ko ay nasa mid 30s pa lang, ang kilalang si police Inspector, Santiago. Nakita ko din si Tungsten na kararating lang habang may nakasunod na isang police sa likod. Nalaman kong kakagaling lang nila sa lugar kung saan nawalan ako ng malay. Naglabas si Inspector Santiago ng isang maliit na notebook at ballpen. Tinanong ako ni Inspector Santiago sa nangyari kaya kinwento ko sakaniya ang nangyari kagabi. Gaya ng kinwento ko kay ate Taya, sinabi ko din sakaniya mula sa pagpasok ko sa kwarto, ang muntik ng paggahasa saakin, ang ginawa kong pagsaksak sa taong 'yon, ang pagtakbo ko papalayo at hanggang sa mawalan ako ng malay. Pero may hindi ako sinabi. Gaya ng pagiging bampira ng taong 'yon. Dahil alam kung hindi nila ako papaniwalaan. Tumatango lang siya habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Nagsusulat din siya sa notebook ng mga impormasyong binibigay ko. "Nakita mo ba ang mukha niya?" Panimula niyang tanong matapos kung magkwento. "Hindi. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatakip ang hood ng jacket niya sa mukha." Tumango muli siya. At nagsulat uli sa maliit niyang notebook. Binalingan niya ulit ako ng tingin para tanungin. "May kilala ka bang maaring gumawa sayo nito?" Umiling ako dahil wala naman akong kaaway. At wala pa akong nagiging kaaway. "Ito ba ang unang pagkakataon na nangyari sayo 'to o may mga naunang insidente na katulad nito?" "Ito ang unang beses na pinagtangkaan ako ng taong 'yon pero..." Napatigil ako sa pagsasalita at tiningnan si ate Taya. Kapag pinagpatuloy ko ang pagsasalita ay malalaman niya ang nangyayari sakin sa bahay. Madadagdagan na naman ang alalahanin niya. Pero wala akong choice kundi magpatuloy dahil nakatutok na ang mga mata sakin ni Inspector. "Pero ano?" Ani Inspector. "Pero hindi po 'to ang unang beses na pasukin niya ang bahay ko." Mahinang sabi ko at napakuyom ang kamay na nakapatong sa hita. Ramdam ko ang paglingon ni ate sa akin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. "Ano?" Ani ate pero hindi ko parin siya tinitingnan. Ipinokus ko ang tingin kay Inspector Santiago at hindi inintindi ang titig na binibigay ni ate Taya. Sinabi ko sakaniya ang tungkol sa CCTV. Pero dahil wala dito ang laptop ko ay kailangan namin magpunta sa bahay. Sakto din naman dahil pupunta sila sa bahay ko para makita ang pinangyarihan ng nangyari at masimulan ang imbestigasyon. Pero bago 'yon ay tinanong muna nila si Tungsten sa nangyari. Pinaghihinalaan siya ng mga police dahil siya lang ang tao sa lugar na 'yon at ang nakakita sakin. Tinanong din siya kung anong ginagawa niya doon. "Dadaan lang sana ako sa lugar na 'yon pauwi sa bahay. Hindi ko naman alam na mangyayari 'yong kagabi. And I don't have any reason para gawin kay Maya 'yon, if that's what your implying." Ani Tungsten. "Pero hindi ba may kalsada namang papunta sa bahay mo ba't doon ka pa dumaan sa may kakahuyan?" "Gaya nga ng sabi ko, hindi ako dumaan sa kalsada dahil may nag-iinuman sa gilid. Ayaw kung dumaan doon dahil tiyak akong iimbitahan akong uminom, at ayokong uminom dahil pagod ako mula sa pagkikita namin ni Papa." I can see the irritation of his face. He clenched his jaw. Siguro naiinis na dahil sa mga tanong ng police. "You can talk to him if your doubting my alibi." Dugtong niya pa. May iba pa sanang itatanong si Inspector pero pinigilan ko na. Sinabi kong hindi yon si Tungsten. Nagdadalawang isip pa siya kung papaniwalaan niya ba ang sinasabi ko pero mabuti nalang at tumawag ang Papa ni Tungsten kaya napatunayan ang alibi niya. Tugma din kasi ang binigay ni Tungsten na oras kung kailan siya naglakad pauwi at ang sinabing oras ni ate Taya nang dalhin niya ako dito. Kaya nawala sa list ng primary suspect si Tungsten. Kahit hindi ko nakita ang mukha ng taong 'yon alam ko namang hindi si Tungsten 'yon. Magkaiba sila ng tindig at boses. Kaya alam kung magkaiba sila. Pero may iba akong napansin sa taong 'yon. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang pero pakiramdam ko kilala ko siya. Ang boses niya ay parang narinig ko na pero hindi ko maalala kong kanino. Ang boses niya ay may accent kagaya ng kila Tungsten at Jherome tuwing nagsasalita ng Tagalog. At ang pabigkas pa lang sa amore ay alam kung may lahi siya. Hindi ko na pinasama si ate papunta sa bahay dahil baka mastress pa siya lalo. Tama na ang pangaabala ko sakaniya kagabi. Aapila pa sana siya pero mabuti na lang at dumating ang asawa niya na Papa ni Tungsten kaya tumigil din siya sa pagpupumilit sumama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD