Kabanata 15

1381 Words
Maya Nang makarating sa bahay ay agad nagsimula ang mga kasama naming police sa pag imbistiga habang kami naman nila inspector at tungsten ay nagtungo sa sala. Kinuha ko ang laptop ko na sa kabutihang palad ay hindi lowbat at hinanap ang mga video na narecord ng CCTV kung saan palaging pumapasok ang taong 'yon. Kumuha na din ako ng maiinom nila habang naiwan naman silang dalawa sa sala at tinitingnan ang laptop ko. Nang makabalik ay nakita kong may ginagawa si Inspector sa laptop. Pumipindot ang mga kamay niya sa keyboard na parang may hinahanap. Nakakunot din ang noo niya at mariin ang tingin sa monitor. Habang si Tungsten ay nakatingin lang din sa laptop at pinapanuod ang ginagawa ng Inspector. "Mukhang hindi pipitsugen ang nagkakagusto sa’yo Ms. Villamor." Pauna niyang salita. Hindi ko mapigilan ang mapataas ang dalawang kilay dahil sa pagtataka. "Anong ibig mong sabihin, Inspector?" "Some of the CCTV footage has been deleted. Hindi na magkakasunod ang petsa ng mga kuha." Iniharap niya ang laptop sakin at pinakita ang sinasabi niya. Tama nga siya dahil hindi na magkakasunod ang petsa ng mga kuha. Hindi naman pwedeng sabihing namatay lang ang CCTV dahil bago ang mga ’to at kung oo man ay diba dapat wala ng bagong kuha? Puro may laktaw ang bawat kuha. May araw na may nakunan pero pagkalipas ng dalawa o tatlong araw ay wala na. "I wonder kung ano ang mga kuhang ’yon at kailangan niyang burahin." Dugtong ng Inspector. Tiningnan niya ako na parang tinatanong kung may alam ba ako tungkol doon na hindi ko pa sinasabi pero inilingan ko siya dahil wala akong maalala sa mga araw na ’yon. Napasandal na lang ako sa upuan at napaisip. Ano nga kaya ang mga kuhang ’yon na kailangang burahin ng taong ’yon. Ano ang nangyayari sa mga araw na walang kuha ang CCTV? Iniwas na ni Inspector ang tingin at pinanuod na ang mga nakuhang footage. Parehong tutok ang mga mata nila Tungsten sa pinapanood. Nasa video na sila kung saan nakuhanan ang nangyari kagabi ayon sa naririnig kong sigaw ko. Hindi ko naman magawang tumingin dahil ayokong makita ang mga nangyari sakin kagabi. At kung pwede lang takpan ang tenga ay ginawa ko na. Rinig na rinig kasi sa video ang mga sigaw ko. Nang mapasulyap ako kay Tungsten ay nakita ko siyang madilim ang tingin sa laptop. Ang panga ay mariing magkalapat. Nang ibaba ko ang tingin sa kamay niya ay ganun din. Namumuti ito dahil sa mahigpit na pagkakakuyom, ang ugat ay naglabasan na rin. Isinara ni Inspector ang laptop ko pagkatapos nilang mapanuod ang huling video. Nagsulat muli siya sa kaniyang notebook bago niya ako balingan ng tingin. "Obsession. 'Yan ang nakikita kong dahilan sa nangyari sa'yo Ms. Villamor. Ang taong nakakaramdam niyan ay masyadong delikado. Lalo na't sabi mo may nanliligaw sa'yo. Nakakaramdam ang taong yan ng selos. Kaya siguro kung pwede mag-lay low muna kayo ng manliligaw mo habang hindi pa nahuhuli ang taong yan." Ani niya. "Para sa ikabubuti nyo dalawa ng manliligaw mo to. Tatawagan na lang kita kapag may nahanap na kaming lead. Sa ngayon ang maia-advice ko lang ay ang mag-ingat ka. Itawag mo sakin agad kapag may napansin kang umaaligid sayo. Ang mga klase niyang tao ay hindi titigil hanggat hindi napagtatagumpayan ang gusto. Iwasan mo din muna ang magpagabi sa daan at wag lalayo sa mga tao pag-aalis ka. Siguraduhin mong nasa marami kang tao pag lalabas para hindi magkaroon ng pagkakataon ang taong 'yon na maisagawa ang naudlot niyang gagawin. At wag kang mag-alala may magbabantay sayong police sa gabi." Mahaba niyang sabi. Tumango lang ako sakaniya at tinandaan ang lahat ng kaniyang sinabi. Binigyan niya din ako ng number niya para matawagan in case na umatake muli ang taong 'yon. Sakto namang natapos ang kasama niyang police sa pag imbistiga kaya tumayo na siya at nagpaalam. Inihatid ko sila sa labas at nagpasalamat pero bago makapasok si Inspector Santiago sa sasakyan ay bumaling muli siya sakin. "Mag-iingat ka Ms. Villamor dahil hindi natin kauri ang nagkakagusto sayo." 'Yan lang ang sinabi niya bago niya ako tinapik sa balikat at tuluyang sumakay sa sasakyan. Nanatili lang akong nakatayo at nakatitig sa papalayong kotse. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na hindi tao ang taong 'yon. Pero sa isiping 'yon ay nagkaroon ako ng kunting pag-asa. Baka alam niya ang paraan kung paano makakahuli ng ganiyang uri. O kakilalang tutulong sa paghuli sa bampirang 'yon? Hindi ko mapigilan ang maniwala. Sana... Hindi din nagtagal ay si Tungsten naman ang nagpaalam. Nakaramdam na naman ako ng guilt dahil nadamay pa siya sa problema ko. Nagpasalamat din ako sakaniya na tinugunan niya lang ng isang tango bago naglakad palayo. Masungit talaga! Pumasok ako sa banyo at naligo. Habang nasa lalim ng shower, muling nanumbalik ang alaala ng nangyari kagabi. Niyakap ko ang katawan ko at napaiyak. Kinuskos ko ang labi ko na hinalikan ng taong 'yon, ang leeg kung saan paulit-ulit pinaraanan ng nakakadiri niyang dila at ang hinaharap kong hinawak-hawakan niya. Nakakadiri! Nandidiri ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ang dumi kong babae. Wala pang lalaki ang nakagawa sakin ng mga 'yon. At hindi ko matanggap na isang halang sa laman lang ang gagawa sakin no'n. Napakababoy niya! Iyak lang ako ng iyak habang patuloy na kinukuskos ang katawan. Pilit tinatanggal ang bakas ng kahayupang ginawa sakin pero kahit anong gawin ko ay hindi parin mawala. Para na itong nakaukit sa katawan ko. Naiiwan at nagbibigay ng sakit at kawalan ng dignidad. Nakalabas na ako ng banyo at nakabihis na habang nakaupo sa kama. Ilang minuto yata akong natulala sa kawalan ng magulat ako dahil tumunog ang cellphone ko at no'ng tingnan ko ay nakita kong tumatawag si Jherome. Tinitigan ko lang ang pangalan niya. Nag-aalangan ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi. Lumipas ang ilang minuto pero patuloy parin ito sa pagtawag. Napabuntong-hininga ako at hindi na nakatiis at sinagot na ang tawag. Alam kung nag-aalala na siya sakin. Nakita ko pa nga pagbukas ko kanina ang marami niyang miss calls at texts. Tumikhim muna ako bago ako nagsalita. "Hello Jherome?" "Thank God, Maya! You pick up my call. I've been calling you since last night." Bungad niya sakin. Ang boses ay puno ng pag-alala. Ang palagi niyang 'Hello' tuwing tatawag ay nawala. Ganun ko siguro talaga siya pinag-alala. Ang ganda sa pakiramdam na may nag-aalala sayo. Na parang ang importante mo. Napangiti ako dahil doon pero agad ding napatigil. Napahigpit ang kapit ko sa cellphone. Hindi ako nagsalita. Naalala ko na naman ang banta niya. "Maya, may nangyari ba? Hindi kasi kita makontak at hindi ka pa pumasok sa trabaho." "Wala naman. May ginawa lang akong importante. Pasensya kana, hindi kita nasabihan." Sabi ko para hindi na siya mag-alala pa. "It's okay. Kumain ka na ba? Do you want me to deliver you a food? What do you want to eat?" "Wag na Jherome, kakatapos ko lang kumain." "Oh okay." Napakagat labi ako. Hindi ko maiwasan ang maguilty ng marinig ko ang pagkadismaya sa boses niya. Nagtatalo ang isip at puso ko. Nalilito kung anong dapat gawin. Kung ipagpapatuloy ko ba to o ititigil. Gusto kong magpatuloy dahil ito na 'yon, pangarap ko to. Pangarap ko 'tong mahalin ng isang Jherome Gibran. Nagkakatotoo na. Pero kapag naaalala ko ang banta niya ay nanghihina ako. Nawawalan ako ng lakas para ipagpatuloy. Baka totohanin niya ang banta niya. Ayaw kung mangyari 'yon kaya habang maaga pa ay siguro papatigilin ko na lang si Jherome. Hanggat hindi pa nahuhuli ang tao sa likod ng pagtatangka sakin ay hindi ako magiging kampante. At kailanman ay hindi makakampante dahil hindi naman tao ang huhulihin ng mga police. Mas importante ang kapakanan niya kaysa sa nararamdaman ko. Namayani ang katahimikan samin. Rinig ko ang hininga niya sa kabilang linya kaya hindi ko mapigilan ang pagbilis ng t***k ng puso. Pero agad ko ding pinatigil ang sarili. "Ano...Jherome ibababa ko na tong tawag dahil may gagawin pa akong importante." Hindi ko na siya inantay magsalita at pinatay na agad ang tawag. Umupo ako sa headboard ng kama at napayakap sa tuhod. Nangilid ang luha ko sa mata. Hindi ko maiwasan ang maiyak. Kakasimula pa nga lang pero matatapos na agad. Napaka unfair naman Lord!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD