Kabanata 17

1545 Words
Maya Lagpas tanghali na at nagpupunas naman ako ngayon ng mesang pinagkainan ng costumer. Hindi sinasadyang nagawi ang tingin ko sa labas na siyang nagpatigil sakin. Sa labas nakita ko ang kakababa lamang na si Jherome mula sakanyang sasakyan. Dagling lumipad ang tingin niya sakin kaya nagulat ako nang magtama ang tingin namin. Agad akong umiwas ng tingin. Kita sa peripheral vision ko ang paghakbang niya papasok sa restaurant kaya hindi ko maiwasan ang magpanic. Natataranta kong binilisan ang pagpunas sa mesa. Nang matapos ay binitbit ko na ang tray na may lamang plato at tasa bago nagmamadaling nagmartsa papasok sa kusina. Kampante ako dahil hindi niya ako masusundan dito dahil hindi nagpapasok ng iba dito sa kusina kung hindi ka nagtatrabaho dito. Narinig ko ang pagbukas ng babasaging pintuan ng restaurant at ang pagtawag niya sakin bago ako makapasok sa kusina pero hindi ako lumingon. Ayaw kong lumingon dahil baka rumupok ako. Alam kung napapansin na niyang iniiwasan ko siya. Sa nakalipas na dalawang linggo ay palaging ganito ang nangyayari. Sa tuwing nagpupunta siya dito sy pumapasok ako sa kunsina at hindi ako lumalabas at nananatili sa kusina hanggat hindi siya umaalis. Alam kung napapansin na ito ng mga kasama ko pero pinagsawalang bahala ko na lang. Mabuti na lang at hindi sila nagtatanong. Hindi ko na sinasagot ang mga tawag at texts niya. Ang huli naming pag-uusap ay yon pang binabaan ko siya ng tawag. Palagi na din akong pumapasok ng maaga sa oras ng duty para lang hindi niya ako maabutan. At kapag uwian naman ay nagpapalate din ako ng out. Mabuti na lang at may nakabantay saking police kaya kampante akong umuuwi sa gabi. Ginagawa ko to para sa ikabubuti naming pareho. Ayokong idamay siya sa problema ko. Ayoko siyang ipahamak. Kahit ayoko. Kahit masakit pero wala akong choice. Hanggat nakakagala ang taong yon ay hindi ako makakampante kaya mas mabuti ng ganito. Habang maaga pa, itigil na. Makakalimutan din naman siguro namin ang isa't-isa. At ang nararamdaman namin? Mawawala din to. Hindi man ngayon pero mawawala din. Makakahanap pa siya ng iba. Yong babaeng hindi siya ipapahamak. Inilapag ko ang hawak na plato at tasa sa lababo dito sa kusina ng makapasok. Napatingin sakin si Jeric, isa sa kasamahan ko dito na naghuhugas. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at tumalikod na. Pero bago ako makahakbang ay tinawag niya ako kaya napatingin ulit ako sakanya. "Pinapabigay." May inilahad siyang isang puting sobre. Taka ko naman itong tinanggap. Napakislot ako ng dumampi ang balat niya sa kamay ko. Agad kong kinuha ang sobre at lumunok. Pinigilan kong manginig ang sarili. Takang tingin lang ang binigay ni Jeric sakin. "Nino?" "Ni sir Jherome. Basahin mo daw yan at maghihintay daw siya sa desisyon mo." Napahigpit ang kapit ko sa sobreng papel kaya nalukot ito ng kaunti. Tumambol ng mabilis ang puso ko ng mapasadahan ang sulat kamay na pangalan ni Jherome. Binalingan ko ulit si Jeric ng tingin at pinasalamatan bago tuluyang tumalikod at naglakad sa locker room. Mabuti na lang at saktong break time ko kaya may oras akong tingnan ang sulat niya. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako kung babasahin ko ba ang sulat o hindi. Tiyak ko kasing tungkol ito sa pag-iwas ko sakanya. Hindi parin ako nakatiis at binuksan na ang sobre. Inilabas ko ang nakatuping papel sa loob at binasa ang nakasulat. "Maya, please meet me at the park later after your duty. I'm begging you. I'll wait for you. Take care." Yan ang nakasulat sa papel. Hindi ko maiwasan ang mapabuntong-hininga. Napasandal ako sa pintuan ng locker ko at napahawak sa dibdib. Ramdam ko ang unti-unting pagkirot ng puso ko. Ipinikit ko ang mata bago paman tumulo ang luhang hindi ko napansin nangilid na pala sa mata ko. Maya-maya pa ay umayos na ako ng tayo. Inayos ko na din ang sarili ko at pinunasan ang mukha bago lumabas na. Pero bago yon ay tinago ko muna ang sulat sa bag. Balik ako sa pag serve sa mga costumer ng matiyak kong nakaalis na si Jherome. Sorry Jherome, pero hindi ako pupunta. Sinabi kong hindi ako pupunta pero nakita ko na lang sarili kong naglalakad paputa sa park. Ito ang park kung saan nag date kami. Madilim na ang paligid ng makarating dito. Tumigil ako sa paglakad at tumayo sa likod ng isang puno. Sa malayo ay kita ko ang bulto ng isang tao. Nakatayo ito sa pinagpwestuhan namin dati at nakaharap sa payapang ilog. Si Jherome. Pinagmamasdan ko lang siya at hindi lumalapit. Hindi ko kayang lumapit. Para itong hindi mapakali dahil palakad-lakad siya sa kinatatayuan. Panay din ang tingin niya sa entrance at cellphone. Napatingin ako sa hawak na cellphone nang mag ring ito. Nakita ko siyang tumatawag. Nakatitig lang ako sa aparatong tumutunog, walang balak sagutin. Namatay ang tawag pero muli ding nag ring. Paulit-ulit siyang tumatawag pero ni isa doon ay wala akong sinagot. Pinili ko na lang patayin ang cellphone matapos kung mag send ng text sakanya. "Nakauwi na ako kaya umuwi kana din. At huwag kana tumawag." Napakagat ako sa ibabang labi at tiningnan muli si Jherome. Nakita ko siyang nakatingin sa cellphone niya, mukhang binabasa ang text ko. At kahit sa malayo ay kita ko ang paghinga niya ng malalim. Laglag ang balikat na naupo siya sa damuhan. Tumalikod na ako at naglakad paalis. Naninikip ang puso ko dahil sa sakit. May nararamdaman din akong bikig sa lalamunan kaya paulit-ulit akong lumulunok. Ang luha ay dumaosdos pababa sa pisngi ko kaya pinahid ko ito pero kahit anong gawin kong punas ay hindi ko parin maampat at patuloy pa din sa pagtulo. "Im sorry Jherome." Maybe next time, baka pwede na... Bumalik ako sa dinaanan ko pabalik sa restaurant. Nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Tungsten nang makarating ako sa parking lot ng restaurant. "Saan ka galing? Kanina pa ako naghihintay sayo." Bungad niyang tanong. "May pinuntahan lang. Tara na." Umuna ako palakad sakanya. Agad naman siyang sumunod habang nagrereklamo parin. Kesyo kanina pa siya nakatayo at gutom na daw siya. Hindi ko mapigilan ang mapairap. Tanga niya din, kung pumasok siya sa restaurant at kumain edi sana hindi siya gutom! Pinantayan niya ang lakad ko. Nang tingnan ko siya ay nakasimangot pa rin siya. Tinitigan ko ang kabuan niya. Ito ang unang bese na nakita kong nakalugay ang may kataasan niyang buhok, usually kasi palagi siyang naka man bun sa likod kaya nakakapanibago siyang tingnan. Bumaba ang tingin ko sa suot niya. Gaya ng lage niyang suot ay isang t-shirt na puti at isang kupas na pantalon na naman ang suot niya. Nakapamulsa din ang dalawa niyang kamay at diritso ang tingin. Mula nang mangyari ang pagtatangka sakin ay sabay na kami palaging umuuwi ni Tungsten. Hindi dahil gusto niya kundi dahil wala siyang magagawa dahil kagustuhan to ni ate Taya. Kaya unti-unting nasasanay ang sarili ko sakanya. Hindi ko alam kung paano napapayag ni ate si Tungsten. Baka blinackmail niya? "Daan muna tayo sa may ihawan. Gutom na talaga ako." Tumango ako sakanya dahil gaya niya gutom na din ako. Oo, kami lang ang taong nagtatrabaho sa isang restaurant na hindi kumakain sa pinagtatrabahuan. Weird diba? Pero nakakasawa na din kasi ang mga pagkain doon. Maganda ang maiba naman paminsan-minsan. At mukhang pareho na kaming nagsasawa sa pagkain sa resto dahil agad kaming nagkasundo. Pumasok kami sa isang open space na ihawan. Nakahilera ang mga nagtitinda sa gilid. Puro mga inihaw ang mga paninda. Kumalam ang sikmura ko ng maamoy ang mabangong usok ng bagong salang na inihaw na paa ng manok. Umupo kami sa bakanteng upuan na nakalagay sa gilid at nag order. Inihaw na hita ng manok at isang kanin lang ang inorder ko habang si Tungsten naman ay isang hita din ng manok, tatlong stick ng barbeque'ng baboy, apat na paa ng manok at dalawang kanin ang inorder. Hindi halatang gutom siya. Habang naghihintay ay inilibot ko ang tingin sa paligid. Open space ang area, malawak ito at ang nagsisilbing bubong ay ang naglalakihang mga payong na may iba't-ibang kulay. Naramdaman ko ang titig ni Tungsten kaya tiningnan ko siya. Sinalubong ko ang titig niya at tinaasan ng kilay. Problema nito? "Ngayon ko lang napansin." "Ang alin?" "Na ang pangit mo pala." Parang umusok yata ang mukha ko dahil sa inis ng marinig ko yon. Paksh*t talaga nitong lalaking to. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa kaya umaray siya. Buti nga sakanya! Mang-asar ba naman. "Hiyang-hiya naman ako sa kagwapuhan mo periodic element." Sarkastiko kong sabi bago siya inirapan. Mas lumaki ang ngisi niya ng marinig ang sinabi ko. "Ikaw ha may endearment kana sakin. Gusto mo na'ko no?" "Kadiri! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" Tinapunan ko siya ng tissue na agad naman niyang nasalo. Tumawa naman siya na parang baliw. Masyadong malakas ang tawa niya at tunog pahingal pa kaya hindi ko na maiwasan ang mahawa. Para kaming mga baliw na tumatawa. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang kumakain pero wala kaming pakialam. Aminin ko man o hindi, magaling si Tungsten sa salita dahil pansamantala kong nakalimutan ang nangyari kanina. Tumatawa padin kami pero agad din napatigil ng may taong tumayo sa mesa namin. Nang iangat ko ang tingin ay napawi ang ngiti sa labi ko. "Jherome..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD