Kabanata 18

1523 Words
Maya Gulat kong tiningnan ang taong nakatayo sa harapan namin. "Jherome..." Tawag ko sakanya pero agad ding tumikom ang bibig ko nang wala akong maisip na idugtong. Nang masulyapan ko si Tungsten ay nakatingin din siya kay Jherome. Nagtataka ang ekspresyon ng mukha niya kong anong ginagawa ni Jherome sa harap namin. Nang ilipat niya ang tingin sa akin ay parang nagkaroon yata siya ng idea dahil tumango-tango siya ng dalawang beses. "Maya, let's talk please." Muli akong napatingin kay Jherome nang magsalita siya. Nakita ko siyang nakatunghay sakin. Malamlam ang mukha at ang mata ay tila nangungusap. Kita ko ang pagod sa mukha niya. Nagsusumamo ang tingin niya na parang sinasabing pagbigyan ko siya sa gusto niya kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango. Tumayo ako at nagsimulang maglakad na agad naman niyang sinundan. Lumayo kami at naglakad palayo sa may ihawan kung saan walang tao. Hindi naman masyadong malayo dahil nakikita pa rin naman namin ang ihawan at ang maingay na kumakain. Kita ko din si Tungsten na nagsisimula ng kumaon pagkarating ng inorder namin. Napaka talaga, hindi man lang ako hinintay! Nakatalikod lang ako kay Jherome. Hindi ko siya tinitingnan dahil nahihiya ako. Napakagat labi ako ng maalala ang text na sinend ko sakanya. Kung alam ko lang na makikita niya ako dito sana hindi ko nalang sinend yon. Dahil para ko na din siyang pinagmukhang tanga. Pero hindi pa ba Maya? Ginhost mo nga yong tao! Sabi ng isipan ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng guilt. Pero siguro okay na din yon. Okay na din to. Baka kaya nangyari to ay para masabi ko nang tumigil na siya. Ito na ang pagkakataong binigay ng tadhana. Ang kailangan ko lang ay lakas ng loob para masabi sakanya. Sa dalawang linggong nakalipas ay puro iwas lang ang ginawa ko na hindi ko naisip na sabihin sakanyang tumigil dahil sa kaibuturan ng puso ko umaasa parin akong mawawala itong problema ko at bumalik sa dati. Ako at si Jherome. "Maya, what happened?" Unang tanong pa lang niya ay hindi na ako makahanap ng sagot. Hindi ko kayang sabihin sakanya ang nangyari dahil baka mag-iba ang tingin niya sakin. O ang rason ko kong bakit ako umiiwas sakanya. Nahihiya akong nakita niya akong nagsasaya habang siya ay pinaghintay ko at hindi sinipot. Hindi ko ginusto na makita niya akong nagsasaya habang siya ay walang kaalam-alam sa nangyayari. Inilingan ko siya at hindi parin siya tiningnan. Nanatili akong nakatalikod sakanya kaya naman humakbang siya sa harap ko at lumapit. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang umatras ang mga paa ko. Nagulat ako sa ginawang aksyon ng katawan ko kaya napatingin ako kay Jherome na napatigil sa paghakbang. Nasalubong ko ang mata niya. Kita ko ang gulat, pagkalito at sakit na bumalatay dito. "D-did I do wrong?" Nauutal niyang tanong. Muli akong umiling. Hindi ko mahanap ang boses ko at magsalita. Gusto kong magsalita at sabihin sakanyang wala lang yon at nagulat lang ako pero hindi ko magawa. Parang may bikig na nakaharang sa lalamunan ko ng makita ko ang ekspresyon na ginawa niya dahil sa ginawang aksyon ng katawan ko. Simula ng mangyari ang pagtatangka sakin ay hindi na ako nagiging kampante sa mga lalaki. Sa unang linggo matapos ang nangyari ay natatakot akong lumapit o mapalapit sa mga lalaki. Umiiwas ang katawan kong mapalapit sakanila kahit hindi ko gustuhin. Siguro ito ang naging sakin epekto ng nangyari. Mabuti na nga lang ngayon at nasasanay na muli ako sa presensya ng mga lalaki. Umiwas muli ako ng tingin. "Bakit ka andito?" "Dahil sa text mo. Pinuntahan kita sa inyo dahil hindi ka sumipot." Tumitig sakin ang malamlam niyang mata. "I know you were there, Maya. Kaya bakit hindi ka nagpakita sakin? At bakit may pakiramdam akong iniiwasan mo ako?" Natameme ako sa narinig. Nakita niya ba ako kanina? Pero siniguro kong hindi niya ako makikita. O baka akala ko lang yon. Humakbang ulit siya palapit kaya pinigilan ko ang sarili kong umatras muli. Isang hakbang na lang ang pagitan namin ng tumigil siya. Napayuko ako at nilaro ang mga daliri. Kinakabahan ako at bumibilis ang t***k ng puso. Ramdam ko ang titig niya sakin kaya mas lalo akong yumuko. Ang katahimikan ko ay nagkomperma sa hinala niya. "Tell me, may nagawa ba ako para iwasan mo ako? Sabihin mo sakin dahil para akong masisiraan ng ulo kakaisip kong may ginawa ba ako o nagawang hindi mo gusto. Sabihin mo sakin, wag lang ganito." "Tama na Jherome. Tumigil na tayo." Mahina kong sabi. Tinaas ko ang ulo at sinalubong ang titig niya. Nakita ko sa mukha niya ang gulat at pagkalito. "What? What do you mean?" "Pinapatigil na kita sa panliligaw sakin. A-ayoko na Jherome. Wala naman tong patutunguhan. Aksaya lang to sa oras." "No!" Tumaas ng bahagya ang boses niya pero agad din siyang huminahon ng mapansin yon. Huminga siya ng malalim. "I'm sorry, but I don't want to stop Maya. You're not a waste of time. Whatever you say, I won't listen to you. I'm sorry, but I can't stop. I won't stop courting—" "Ayaw ko na nga, bakit hindi mo maintindihan yon?" Hindi ko mapigilan ang tumaas ang boses. Hindi ko gustong sigawan siya pero napo-frustrate na ako. Hindi ko na alam kung paano siya patitigilin. Mahirap din sakin to. Kung hindi ko lang iniisip ang kapakanan niya, matagal na akong nagpaka selfish at sinagot na siya pero hindi ko ginawa dahil mahal ko siya at ayaw kong mapahamak siya. "Please, tumigil kana Jherome." Sa puntong to ay mahinahon na ang pagkakasabi ko. Nagsusumamo ko na din siyang tiningnan. Suminghap siya. "I don't understand Maya. Hindi ko maintindihan kong bakit mo ako pinapatigil. Sabihin mo sakin kung bakit para hindi ako mangangapa kong may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan. Aayusin ko kong meron. Aayusin ko, I will be better next time. Kung hindi mo gusto ang ugali ko o ang paghawak ko sayo—" napatigil siya na parang may napagtanto. "Tell me, did I make you uncomfortable with my touch? Ayaw mo ba ang ginagawa kong paghawak sa kamay mo? Ang paghalik ko sa pisngi mo? Pwes hindi na. Hindi na kita hahawakan kung walang consent mo. I will keep my hands away from you. Just don't stop me from courting you." Umiling-iling siya. Ang boses niya ay puno ng pagmamakaawa kaya mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko sa puso. Sinasabi ng puso kong bawiin ang mga sinabi at sabihing nagbibiro lang ako pero ang utak ko ay kumukuntra. Sinasabi nitong tama ang ginawa ko dahil ito ang makakabuti samin dalawa. Nalilito na ako sa sarili ko. Kung bakit kailangan ko pa itong maranasan? Kung hindi lang dahil sa bampirang iyon ay hindi mangyayari to. Baka nga sinagot ko na si Jherome ngayon at masaya na kami. "Respetohin mo naman ang desisyon ko. Ayoko na at kahit anong gawin mo hindi na magbabago ang isip ko kaya tumigil ka na." Umamba akong aalis pero agad niya akong nahawakan sa kamay kaya napatigil ang akma kong pag-alis. "No. I won't stop Maya, not unless you tell me your reasons kung bakit pinapatigil mo ako." Piniksi ko ang hawak niya at tiningnan siya diritso sa mata. "Sige sasabihin ko sayo." Huminga ako ng malalim. Lumunok din ako ng ilang beses para mawala ang nakabara sa lalamunan ko. "Hindi na kita gusto. Pinayagan lang kitang ligawan ako dahil akala ko may nararamdaman din ako sayo pero wala pala. Siguro excitement lang ang naramdaman ko dahil bakit hindi? Mayaman ka, gwapo at anak ng isang Mayor kaya pinatulan ko ang panliligaw mo. Pero narealize kung hindi ka pala worth it sa oras ko." Pagsisinungaling ko. Hindi ko iniwas ang titig ko at nanatili lang nakasalubong sa mata niya para ipakitang seryoso ako sa sinasabi ko. Kita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya. Nanlalambot ang mga tuhod ko at gusto ng mag-iwas ng tingin pero pinigilan ko ang sarili. 'Ako ang hindi worth it sa oras mo Jherome, hindi ikaw.' Hindi naman kami pero bakit ganito kasakit? Siguro dahil pareho kami ng nararamdaman? Ganito ba ang nararamdaman ng mga taong walang label? Masakit pala talaga kapag nagtapos ng walang kayo. "Ngayong nasabi ko na ang rason ko, titigil kana ba?" "You don't meant it. Stop lying to me Maya." Mahinang sabi niya. Akma niyang aabutin muli ang kamay ko pero iniwas ko ito at umatras ng tatlong beses palayo. "Hindi ako nagsisinungaling." Pinatatag ko ang boses ko kahit ramdam ko ang sakit sa kaibuturan ko. Parang pinipilipit ang puso ko dahil sa mga salitang binibitiwan ko. Umiwas ako ng tingin. "Umuwi ka na Jherome." Tinalikuran ko siya at muling naglakad sa mesa namin. Sinubukan niya ulit akong pigilan pero tinulak ko lang siya. Muntik pa siyang mabuwal sa lupa dahil sa panghihina pero pinagsawalang bahala ko na lang at nagpatuloy sa paglakad. Ramdam kong nakasunod ang tingin niya sakin pero hindi ko ito pinansin. Pasimple kong pinunasan ang luhang tumulo. Ilang beses din akong huminga ng malalim. Nanlalambot rin ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay babagsak ako sa sahig dahil sa panghihina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD