Maya
Bumalik ako sa mesa namin ni Tungsten. Umupo ako sa dating inupuan. Napatingin sakin si Tungsten pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.
Inabot ko ang binigay niyang baso na may lamang tubig at tinunga ang laman. Nang hindi makuntento ay inabot ko pa ang pitsel na nasa gilid at nagsalin sa baso at muling tinunga. Halos makalahati ko ang laman ng pitsel dahil sa uhaw.
Nakasunod lamang ang tingin ni Tungsten sakin. Hindi siya nagsasalita pero alam kung pinakikiramdaman niya ako.
Akma niyang isusubo ang barbeque pero agad ko itong kinuha sa kamay niya at kinagatan ng malaki. Nabitin ang nakaawang niyang bibig at kamay na nasa ere dahil sa ginawa ko. Agad sumama ang mukha niya at tinapunan ako ng masamang tingin.
"Barbeque ko yan eh!"
"Ang damot. Mag order ka na lang. Ako ang magbabayad."
"Madamot ka diyan. Kinagatan mo na nga ang barbeque ko." Umungot siya at umirap. "Saka wag na, wala ka ngang pera."
Humalukipkip siya at sumandal sa sandalan ng monoblock chair kaya kita ko ang mga braso niyang namumutok sa puting t-shirt na suot. Napasadahan ko din ang tattoo niya sa kaliwang braso. Isa itong ibon na nakatingala, ang pakpak ay nakabuka habang ang katawan nito ay napapalibutan ng matitinik na halaman. At sa baba ay may mga letter characters na hindi ko mabasa dahil bago sa paningin ko.
Nang marinig ko ang sinabi niya ay hindi ko alam pero napaiyak ako. Pakiramdam ko ang sensitive ko ngayon.
"May pera ako. Hindi ako pulubi. May pera ako!"
Hindi ko alam kung anong pinaglalaban ko. Alam kung para na akong sira dahil umiiyak ako at sumisigaw na 'may pera ako'. Nakaagaw na ako ng atensyon ng iba pero wala akong paki. Ewan ko ba, siguro nafufrustrate lang ako dahil sa pag-uusap namin ni Jherome kanina.
"Oo na, may pera ka na. Ano bang pinaglalaban mo?"
Inabutan niya ako ng tissue na agad ko ding kinuha at pinunasan ang mukha. Nang matapos ay malakas akong suminga sa tissue na agad umani ng reklamo galing kay Tungsten.
"Kadiri! Kumakain yong tao."
"Grabe ka naman. Suminga lang eh. Tsaka mas nakakadiri yang pagmumukha mo. Ang panget mo!"
"Ay wow. Ang ganda mo ah. At least ako hindi heartbroken kahit walang label."
"P*kshet ka!"
Hindi ko na mapigilan ang murahin siya. Napakamapang-asar niya! Kita na ngang umiiyak na ako, aasarin pa!
Hindi ko alam kung paano niya nalamang wala kaming label ni Jherome. Siguro ang dahilan ay chismoso lang talaga siya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan si Tungsten at sinabunutan. Gigil na gigil kong hinila ang buhok niyang may kataasan.
Agad naman siyang umaray at hinawakan ang dalawang kamay ko para patigilin sa pagsabunot sakanya.
Naglalakad na kami ni Tungsten pauwi. Pareho kaming tahimik dalawa. Nauuna siya sakin sa paglalakad habang nakasunod lang ako sakanya.
Nakatulala lang ako sa kawalan. Para akong patay na naglalakad sa gilid ng kalsada dahil sa walang emosyon kung mukha.
Agad akong nabalik sa katinuan ng bigla akong higitin ni Tungsten pagilid. Kasabay ng malakas na busina ng sasakyan ang narinig ko. Hindi ko na pala nakitang nasa gitna na ako ng kalsada.
"Magpapakamatay ka ba?"
Hindi ako sumagot sakaniya at umupo na lang sa may side walk. Napabuntong-hininga naman siya at nameywang sa harapan ko.
"Ano ba kasing pumipigil sayo para aminin kay Jeremy?"
"Jherome." Pagtatama ko sakanya.
"Oo ni Jeremy. Kung sinabi mo sana, edi sana hindi ka magkakaganyan ngayon."
Hindi ko na lang siya tinama ulit dahil hindi naman siya nakikinig.
"Hindi mo kasi naiintindihan." Pinulot ko ang stick ng barbeque at gumuhit ng iba't-ibang letra o hugis sa kalsadang may maliit na bato. "Ayokong mapahamak siya. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko at narinig mo kung paano magbanta ang taong yon, gagawin mo din to."
Sana dumating ang araw na makakalimutan ko si Jherome.
Kung may makakarinig lang sa iniisip ko ngayon ay tiyak tatawanan na ako. Daig ko pa nito ang hiniwalayan ng jowa. Na kong tutuosin ay hindi naman naging kami ni Jherome. Pero iyon nga ang pinakamasakit. Pareho kayo ng nararamdaman. May mutual understanding na. Label na lang kulang kaya masakit.
Kung sana nakinig nalang ako kina Janine na sagutin na si Jherome edi sana naranasan ko maging girlfriend ni Jherome. Ang arte ko naman kasi.
"Kung sabagay."
Iyan lang ang sinabi ni Tungsten bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Hindi kalayuan ang ihawan kaya agad kaming nakarating kanto papunta sa kaniya-kaniyang bahay.
Madilim na ang paligid. May mangilan-ngilan namang nakatambay sa gilid ng kalsada, mostly mga kabataan at naglalaro ng mobile legend. Nang buksan ko ang cellphone ay nakita kong malapit ng mag 9 ng gabi.
Tumigil kami sa kumpulan ng mga kabataan nang tinawag nila si Tungsten. Lima silang nakaupo sa monoblock chair. Sila Raprap, Benji, Azrap, Owen at Allen. Busy silang lahat domutdot sa kaniya-kaniyang cellphone.
"Kuya laro tayo ml." Aya ni Raprap na busy sa kakadotdot sa cellphone niya.
"Wag kuya. Magpapabuhat lang yan sayo."
"Ul*l hindi no."
Tumawa si Tungsten at ginulo ang mga buhok nila Raprap.
"Sige, pag may time. Anong rank mo na ba."
"Epic pa lang kuya."
"No'ng isang linggo kapa epic, hindi ka parin umuusad?"
"Ang bobo kasi mag laro kuya. Palaging namamatay." Sabat naman ni Benji.
"At least ako nakausad na sa grandmaster, e ikaw hanggang ngayon, grandmaster pa rin hahaha!"
Nakangiti lang ako sa palitan nila ng salita. Ang ganda ng buhay nila. Para silang walang problema. Kung meron man ay siguro kong matatalo lang sa ml o walang pang load.
"Hi ate Maya."
Bati ni Azrap kaya napatingin ako sakanya at binigyan siya ng ngiti. Nagtaasan din ng tingin ang apat at binati ako bago ulit naglaro.
"Bat kayo magkasama dalawa ate? Nag date kayo?" Ani Owen.
Bakit ba palagi nalang kaming napagkakamalan dalawa ni Tungsten? Mukha bang papatulan ko tong taong to?
"Hindi Owen. Hindi ko papatulan tong lalaking to!" Agad kong tanggi at tinuro si Tungsten. Agad naman niyang timampal ng mahina ang kamay ko.
Tumawa naman silang lahat at inasar si Tungsten. Sumimangot si Tungsten dahil sa pang-aasar nila Owen.
"Wala ka pala kuya eh!"
"Mga b*gok." Binatukan niya isa-isa ang mga bata na agad umani ng reklamo. "Hindi ko gusto tong si Maya! Napakabalahura nito. Not my type."
Ay wow. Lalo naman ako!