Chapter 70: “ANAK NATING DALAWA ANG BATANG 'YON!”— DREYDON

2002 Words

MARGARETTE POV “Babe,” garalgal na sambit ni Diana at patakbong lumapit kay Dreydon. Iyang babaeng ‘yan ang nag–umpisa ng gulo dahil binangga niya ‘ko,” maawtoridad na pagsusumbong nito. “Don’t come near me, Diana,” may awtoridad na wika ni Dreydon. “Hindi ko sinasadyang banggahin ka, Diana dahil ‘di naman kita nakilala na ikaw ‘yan,” depensa ko. “Tsk! Ang sabihin mo’y galit ka sa akin dahil ako pinili ni Dreydon noon, at hindi ikaw, kaya binangga mo ‘ko,” segunda nito dahilan upang magsalubong ang kilay ko. “Anong pinagsasabi mo, Diana? Alam mo, baliw ka na dahil kung anong binabanggit mo. At nag–sorry naman ako sa ‘yo,” inis ko. ‘Wag mo nang ibalik ang nakaraan, Diana. Ikaw nga pinili ko noon, pero nagkamali ako dahil nagmahal ako’t nag–alaga ng ahas sa sarili kong pamamahay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD