MARGARETTE POV “What the héll did you say? Magpapa–DNA test kayo ni Colton?” Natawa ako sa sinabing ‘yon ni Dreydon. “Wala kang karapatang gawin ang bagay na ‘yan dahil anak namin siya ni Vince. Kaya ‘wag mo nang ipagpilitan ang gusto mo, Dreydon dahil wala kang ipinaglalaban dito,” mariin na sambit ko. “Mayro’n akong ipinaglalaban, Margarette, mayro’n! Dahil malakas ang pakiramdam ko na anak ko si Colton, kaya ‘wag mo na ‘kong pigilan pa! At parang kinabahan ka no’ng sinabi kong magpapa–DNA test kaming dalawa, may itinatago ka ba?” ngisi niya na lumapit sa akin, pero mabilis kong inilabas ang balisóng. “Sige lumapit ka, Dreydon kung ayaw mong isaksák ko ‘to sa ‘yo nang matauhan ka na’t ‘di mo na ‘ko lalapitan at hahawakan pa!” gagad ko dahilan upang lumayo siya sa akin. “Hindi

