Chapter 80: MAGPAPA–DNA TEST KAMING DALAWA NI COLTON!— DREYDON

2003 Words

DREYDON POV “May masama po ba ‘kong nasabi, Tito Drey tungkol sa kung may gusto kayo kay mama ko?” pag–uulit ni Colton, dahilan upang ngumiti ako. “Kung sasabihin ko bang ‘Oo’ ay magagalit ka?” may pagbibirong tanong ko. “Hindi po. Kasi alam ko naman po na si papa ang mahal ng mama ko, kaya ‘di po ako magagalit. Isa pa po, okay lang po na may gusto kayo sa mama ko, basta’t huwag n’yo na po siyang agawin kay papa ko,” ngiti nito, kaya naman napailing ako’t muli kong ginulo ang buhok nito. “Sige na’t maglaro ka lang dito, at ayusin ko lang gamit ko, ha. Maya–maya ay nandito na mama mo’t sabay na tayong kumain,” saad ko, at tumayo na ‘ko. “Opo, Tito Drey. At pakikialaman ko na lang po itong dalawang kotse n’yo rito, ha,” pagpapaalam nito. “It’s okay, at sa ‘yo na mga ‘yan,” muling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD