Chapter Fifteen
“Wala bang may halong ribbons pa ito para mas lalong girly?” saad ni Matthew.
Nakatalikod si Ella dahil kasalukuyan siyang kumukuha ng kanin ngayon para pagsaluhan nila. Sinundan niya ng tingin ang lalaking nagsalita sa likod niya. Matthew is wearing now a baby pink pants na nagmukhang pedal lang nito dahil sa tangkad ng binata at naka shirt ito na merong flower designs. Natawa si Ella sa itsura ng binata.
“You look -- cute” sabay ng pag whole smile niya.
“s**t, shes even beautiful when smiling.” Matthew was mesmerized by her beauty.
“Halika, nagluto lang ako ng chicken adobo, eto kasi pinakamabilis maluto.” Pagyayaya niya kay Matthew.
“Hmm Tastes good! Saan ka natutong magluto?” papuri ni Matthew sa sa niluto niya.
“Sa cookbook!” pagmamalaki niya. Ang totoo ay tinuruan siyang magluto ng nanay niya, kaso ayaw niya nalang mag open up kay Matthew.
“Ano Matt, nakabawi na ba ako?”
“Hindi pa, kulang pa sa customer service,” biro nito.
“Gusto mo subuan pa kita?” Tanong na ikangiti niya. Ngumiti din ito at ipinagpatuloy ang kanilang pagkain.
They had casual conversation while eating together, From politics, ekonomiya ng bansa at latest movie na napanood nila. Kinamusta nila ang bawat isa, doon nalaman ni Ella na single ngayon si Matthew dahil hiwalay na sila ni Annie Miraflor.
It feels so right. Sharing this rainy evening with Matthew was making her feel secured and genuinely - happy.
While washing the plates na pinagkainan nila, Ella could feel his heated stare behind her, She’s sure that Matthew examing the curves of her body.
“Who is Starr?” biglang tanong ni Matthew sa kanya.
Nabitawan ni Ella ang hinuhugasan niyang baso dahil nabigla siya sa tanong nito. Does he know about her pretentions? Kinakabahan siyang humarap dito.
“Pa-aano mo nalaman yan, Matt?”. Kabadong balik tanong niya.
“Sorry, I just saw your picture frame sa kuarto mo kanina, nilapitan ko then Nakita ko kasi sa likod na may “To: Starr” ang nakasulat.”
OO nga pala! Nakalimutan niyang naka display ang larawang regalo ni Gorio sa kanya. Napakaganda daw kasi ng tawa niya doon sa shot na yon kaya pinaprint ni Gorio ito at binigay sa kanya.
“Aahh – uhmm ako si Starr, uhmm palayaw ko din iyon pero hindi ko na ginagamit eh.. niregalo lang sakin ng isang espesyal na tao. Please call me Ella, mas prefer ko yun.” Atleast half truth ang sagot niya, tinalikuran nya ang lalaki at pinagpatuloy ang paghuhugas niya ng baso. Nagdadasal nalang siya na huwag ng magtanong ang lalaki sa nakaraan niya.
Hindi alam ni Matthew kung magseselos siya sa sinabing “espesyal na tao ni Ella” siguro ay kung sino man iyon ay mahalaga siya sa dalaga dahil tanging iyon lang ang dinisplay nito sa bahay niya.