Chapter Sixteen
Ninoy Aquino International Airport
“Greg! Pare dito!” sigaw ni Franz habang winawagayway ang kamay niya.
Agad naman Nakita ito ni Greg at pumunta sa arrival area at nilapitan sila.
“Mga pare kumusta na?” Sabay fistbump sa mga kaibigan niya.
“Bakit dalawa lang kayo? Where is Matthew the great?” pagtatanong niya sa dalawa habang naglalakad papuntang parking lot ng NAIA. Si Charles ang sumagot sa kanya.
“Ayon, pass muna daw sa pagsundo sayo – may kinalolokohang babae ngayon sa Pampanga pare, Halos dalawang linggo ng nandoon.”
“Pero pare, pag Nakita mo yung babae – maganda at seksi- sobrang hot! Kung hindi lang naunahan ni Matthew ay liligawan ko yun.” Dagdag pa ni Franz.
He saw desires on his friends’ eyes, siguro ay maganda talaga yung babae at nakuha ang atensyon ng kanyang mga kaibigan. But for him. Si Starr lang pinakamagang babaeng nakilala niya.
Its been two years nang huling nandito sa bansa si Gregory. Naalala niya si Starr. Yes, her Estrella, he already fell in love with that lady two years ago.
Gregory POV
Regret. Ito ngayon ang nararamdaman niya ng mahuli siya ni Stephanie na nakikipag s*x sa secretary niya. Biglaan kasi itong dinalaw sa opisina at doon ay nakita nga nito ang bagay na di niya dapat makita.
Seryoso naman siya kay Stephanie, pero talagang mahina lang siya sa tukso, lalo na sa kanyang sitwasyon - palay na ang lumalapit sa manok.
He was one bachelor billionaire and one of the Corporate Lord of BGC. They own the high-end motorcycle companies. Unfortunately, his family want to expand their business kaya pinagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng kanyang kumpare. Stephanie D. Bermudez, her fiancée. Hindi mahirap mahalin ang dalaga dahil maganda naman ito at magaling makisama. Noong una ay maganda ang naging relasyon nila, hangga isang araw ay nahuli nga siya nito while hes f*cking her secretary. Natukso kasi siya, lalo na at di sya sanay sa serious relationship kamukha ng kanila ni Steph. He is feeling devastated dahil tinapos na ng dalaga ang namamagitan sa kanila. Napadpad siya sa Club Spoon upang magpakalasing. Nakarami na din siya ng alak ng narinig niyang nag announce ang emcee ng kanilang grandshow ngayong gabi. Napadpad ang mga mata niya sa entalblado ng club. Meron pa itong smoke effect kaya mukhang nasa langit kung sino man ang dancer nila. Natulala siya when he saw this walking goddess wearing white lacy t-back panty and lacy tube blouse dancing sensually while wearing a small angel wing. She was so beautiful, smarty and sexy. Perfect body, beautiful smile. Halos nasa kanya na ang lahat, kaya pala ang mahal ng entrance pag ito na ang dancer. She’s worth it. The lady turned him on. Simula ng makita niya ito ay gusto niya itong matikman – kaya halos gabi-gabi ay inaabangan niya ito, doon niya nakuha nag schedule nito na every Friday and Saturday lang ito sumasayaw doon sa Club na yun. Unfortunately, this lady is hard to get.
Bahagya niyang nakalimutan si Stephanie ng makilala niya si Starr.
Noong minsan ay sinuwerte siya at nai-table niya ang dalaga, agad niya itong inakbayan at iniofferan ng malaking halaga pera para bigyan siya nito ng “extra service”. Ngunit isang kambal na sampal ang nakuha niya dito. Doon siya na curious lalo sa babae dahil ang alam niya ay isa itong p****k o babaeng bayaran. Pumunta siya araw araw sa Club Spoon na may dalang pulang rosas para humingi narin ng tawad kay Starr sa ginawa niya sa kanya, Ngunit ni ayaw na siyang kausapin nito.
Dahil desidido siyang humingi ng tawad sa dalaga, nagpasya si Greg na sundan ito pagkatapos ng duty nya sa Club. Naka jacket hoodie ito at maong pants with backpack bag habang naglalakad mula sa likod ng Club. Nakita niyang pumasok ito sa isang eskinita. Bumaba siya sa kotse niya at hinabol ito, Ngunit mabilis nawala sa paningin niya ang dalaga. Pabalik na sana siya sa kanyang sasakyan nang may marinig siyang sigaw ng babaeng humihingi ng saklolo, nang sundan niya nag sigaw na iyon ay nakita niya si Starr na niyayakap at pilit hinihila ng dalawang lasing na tambay.
Agad niya itong tinulungan at pinagsusuntok ang dalawa, Mabilis naman na may tumulong sa kanyang mga tao at may rumespondeng Brgy. tanod sa kanila at pinosasan ang dalawang lasing. Agad niyang hinila si Starr na nangingid pa dahil sa nangyari. Dinala niya ito sa sa sasakyan niya at sa Condo unit niya na halos tatlong kilometro lang mula doon. Alam niyang umiiyak ngayon si Starr dahil nakikita niya sa gilid ng mata niya na sunod-sunod ang pagdaloy ng luha ng babae.
Pinagtimpla niya ito ng tsaa upang makapagrelax ito ng kaunti. Hinayaan lang niya itong umiyak. Nung kumalma na ang dalaga ay kinausap niya ito. Nakita ni Starr ang sinserong paghingi ng tawad ni Gregory, dito na niya kinuwento ang naging buhay niya, ang muntikan pagmolestiya sa kanya ng kanyang amain, ang pagka comatose ng nanay niya, ang kanyang mga bayarin at ang mababanng tingin sa kanya ng karamihan dahil sa trabaho niya. Guilt flushed Greg, dahil ganito din ang tingin niya noon kay Starr. Iniooffer ni Greg ang condo niya para pansamantalang tirahan ni Starr, dahil sa takot na rin sa nangyari kanina ay pumayag si Starr sa tulong ni Gregory. Binibigyan pa siya sana ng pera nito pero tinanggihan na ito ni Starr. Doon na nagsimula ang pagkakaibigan nila, naging kampante na sila sa isat-isa. Narealized ni Greg na hindi mahirap mahalin si Starr, pero alam niya na kailangan niyang pakasalan si Stephanie kaya hindi na siyang nagtangkang ipilit ang sarili sa dalaga. Akala ni Greg ay ayos na ang lahat dahil nagkabalikan na sila ni Stephanie dahil na rin sa pagsunod sa payo ni Starr, ngunit nagkamali pala siya..