Chapter Seventeen
Year 2017
Kakabalik lang ni Greg galing Australia para sa expansion ng business nila. Halos isang linggo din siyang namalagi doon. Nagpasya siyang dumiretso na muna sa condo unit niya para iabot ang mga pasalubong ni Starr lalo na at mas malapit yun sa NAIA.
Nakailang katok na siya sa kanyang condo ngunit wala parin nagbubukas ng pintuan. T-nry nyang gamitin ang duplicate key niya pero nag-iba na ang lock nito. Agad niyang tinawagan ang may-ari ng buiding at laking gulat niya nang sabihin nito na binenta na ang unit niya gamit ang mga signed paper niya. Agad siyang kinabahan dahil dito, agad siyang nagdrive papunta sa Club Spoon, ngunit nalaman niya sinibak na pala doon si Starr. Pinuntahan niya si Mr. Valiente, at doon niya nalaman na tinakot siyang aalisan ng prangkisa kung hindi niya aalisin si Starr. Nakakasiguro siya na isa lang pwedeng gumawa nito. Ang Fiancee niya. Agad niya itong pinuntahan sa opisina niya.
“What did you do to her?” pasigaw na tanong niya kay Steph.
“Why? Tumawag na ba sayo ang p****k mong kabit para humingi ng tulong, o pera - kelan mo pa ako niloloko Gregory?!” Ganting sigaw nito.
“Walang namamagitan sa amin ni Starr, Steph!”
Binuksan nito ang drawer niya at kinuha ang mga letrato at inihagis kay Gregory. “Ayan! Ayan tignan mo, tsaka mo sabihing walang namamagitan sa inyo ng p****k na iyon!” Gigil nitong saad.
Umiling nalang si Gregory dahil alam niyang sarado na ang utak ni Stephanie, iniwan niya ito upang hanapin si Starr. Ngunit wala na itong alam kung saan na ngayon ang dalaga. She left without a Trace.
Unti-unti silang nagkalabuan ni Stephanie at siya na mismo ang nakipagkalas dito. Halos gabigabi na siyang umiinom dahil naalala niya si Starr at natatakot ito at baka may nagyaring masama sa dalaga. He tried to look for her pero panay dead end lang. He realized that he loves her.
Sobrang naga-alala na ang pamilya ni Gregory sa kanya. Naisip ng kanyang ama na padala muna siya sa America dahil kita nito ang hirap ng pinagdadaanan ng anak. Mas pinili din ng Ama niya na huwag ng ituloy ang kasal nila ni Stephanie dahil mas mahalaga ang anak nito kesa sa yaman nila.